“Stay…” dahil niloloko ko siya na aalis ako sa kaniyang dibdib, pero inaasar ko lamang siya. “Hindi naman ako aalis, ah!” nakangiti ko pang sabi. Pero imbis na makaalis ay mariin niya akong niyakap. “Go on! Umalis ka.” “Paano naman ako makaalis? Ang higpit ng yakap mo sa akin.” ngumiwi lang siya at agad na naningkit ang isang mata sa akin. “Kaya nga sabi ko sa ‘yo ay subukan mo makaalis. Tignan natin…” humalakhak lang ako at tumungo. “Oo na! Ito naman! Hindi lagi mabiro! Hoy!” dahil sa pagdiin niya pa lalo ng katawan nito sa akin. “What? Ang lambot ng dibdib mo.” “Ang manyak mo,” sambit ko. “Ikaw nga ‘yon. Una pa lang gustong-gusto mo na akong matikman…” inaasar pa niya ako lalo. “Parehas na kayo ni Rica, lagi niyo na lang akong inaasar.” “Hindi naman, ah! Sinasabi ko lang sa ‘yo ‘yu

