“T-tatlo? Hindi ako makakapasok ng tatlong araw?” nakarating na kaming dalawa sa isang malaking building. Hindi ko naaninag kung ano ang tawag sa building na ito, dahil sa aking pangungulit sa kaniya. “Bakit? Ano ba ang gagawin dito? Bakit kailangan kasama ako?” “Ang dami mo namang tanong, manahimik ka na lang.” bumalik nanaman siya sa pagiging masama ang ugali. Iyong hindi nanaman nanamamansin. May regla nanaman ba siya? “Ikaw kaya ang nagdala sa akin dito! Saka paano mo naman nasabi kay Mommy agad? Hindi ako naniniwala! Iuwi mo na ako!” “Gabi na, Dasha. Saka kung ayos lang ay manahimik ka na lang. I’m tired, okay?” tinikom ko na lang ang aking bibig. Nang sabihin niya kasing pagod na siya ay naawa ako. Gano’n rin naman ako, pero hindi nga lang ako ang nag-drive nang halos ilang oras.

