Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 10 Roxanne’s Pov NAKARATING kami sa isang magandang Isla. Namangha ako dahil ang puti ng buhangin. Ang lalaki din ng mga bato at kumikinang ang dagat dahil sa sikat ng araw. Para itong paraiso kung titignan. Namangha ako at halos hindi mapuknit ang labi ko sa sobrang saya ko na makarating sa Isla. Pati mga classmate ko ay tuwang tuwa ng makarating kami. Panay ang picture namin sa mga magagandang tanawin habang si ate Bea ay may kausap na babae. Sa tingin ko ay isa sa staff ng Isla. Ilang sandali pa ay may binigay silang bracelet. Naka register daw ito sa Isla. Lahat daw ng papasok ay kailangan magsuot nito. Isinuot ko sa kanan kong kamay. Bawal daw ito tanggalin sabi ng babaeng kausap ni ate Bea. Sumunod lang kami sa kanya dahil first t

