Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 3 Roxanne’s Pov PANAY ang suklay ng classmate kong babae sa buhok ko. Gustong gusto talaga nilang sinusuklay ang buhok ko dahil ang lambot daw. Uwian na namin, tapos na ang klase pero hindi pa kami lumalabas ng mga classmate ko. Plano kasi sana namin gumala ngayon kaya heto, sinusuklayan nila ang mahaba kong buhok. Nilagyan din nila ng liptint ang labi ko para naman daw magkaroon ng kulay. Nilagyan din ako ng isa kong classmate ng pabango para hindi na daw ako tumanggi. Ayos lang naman sa ‘kin na gumala kami. Pwede ko naman i-text si mommy Jo at sabihin sa kanya na gagala lang kami ng mga classmate ko. Friday naman kasi ngayon kaya nag aaya ang mga kaklase ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko at mabilis na nagtipa ng message p

