Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 25 Roxanne’s Pov NAGISING ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napasapo kaagad ako sa noo ko at dahan-dahan na bumangon mula sa pagkakahiga. Idinilat ko ang mata ko at napatingin sa bintana. Ang taas ng sikat ng araw. Kaagad akong tumingin sa paligid at napansin na hindi ito ang kwarto ko. Napakurap kurap ako habang inaalala kung anong nangyari sa akin. Bumalik sa alaala ko ang ginawa ni tito Kaemon sa akin. Napatingin na lamang ako sa suot kong damit at napansin na iba na ang suot ko. Hindi na ako naka school uniform. “Anong nangyari?” tanong ko pa at napahilot sa ulo ko. Napamura na lamang ako dahil naalala ko na may usok na lumabas sa taxi na pagmamay ari ni tito Kaemon. Nasinghot ko yun kaya nawalan ako ng malay. Nagpup

