Chapter 87 Josephine’s Pov NAGISING ako na maramdaman kong may pumipisil sa kamay ko. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko si Kamden. Kitang kita ko ang pag aalala sa kanyang mukha at mabilis pa itong tumayo sa kinauupuan niya. “Daddy Kamden..” tawag ko sa kanya. “Gising ka na din sa wakas, mommy Jo. Kamusta pakiramdam mo?” tanong niya sa ‘kin sa nag aalalang boses. “A-Ayos lang, daddy Kamden. Si Vin.. kumusta siya?” tanong ko at unang pumasok sa isipan ko ang binata. “Ligtas na siya, mommy Jo. Wag ka ng mag alala pa sa kanya. Nasa kabilang room lang din siya at may iniwan akong dalawang magbabantay sa kanya upang hindi na maulit pa ang nangyari.” Sagot ni Kamden at agad na hinaplos ang noo ko. “M-Mabuti naman at ligtas siya. Si Dan. Nahuli ba ang babaeng yun?” ta

