Chapter 93 Josephine’s Pov LUMABAS ako ng penthouse ni Kamden dahil maghahanap ako ng mangga. Ewan ko kung bakit bigla akong naghanap ng mangga. Para akong naglalaway. Tulog si Kamden ngayon dahil nahihilo daw siya. Naiinis na siya sa nararamdaman niya kaya panay ang untog niya sa kanyang ulo sa pader. Panay naman ang pigil ko at baka mapano siya. Ayaw naman niyang makinig at dinadaan niya ako sa tampo niya. Kahit ako ay naguguluhan na sa pagbabago niya. Gusto ko na lang isipin na baka sinapian siya kaya nagbago ang ugali niya. Hindi ko na maintindihan. Naglakad lakad lang ako hanggang sa makarating ako sa mga kubo na nakalihira. Iba-iba ang binebenta nila dito. Kaya talagang kailangan kong hanapin ang gusto kong kainin. Panay kasi ang scroll ko sa social media ay nanonood ng vid

