Chapter 1

1866 Words
Chapter 1 Josephine’s Pov PATAGO akong umiiyak habang sinusubukang pakalmahin ang aking sarili. Simula ng dumating ako sa bahay na ‘to ay wala na akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Bata pa lang ako ay wala na akong kaligayahan. Para bang wala akong karapatang maging masaya sa buhay. Wala din akong inisip kundi ibang tao. Itinatak kasi sa isipan ko na unahin ko ang sarili ng iba kaysa sa sarili ko. Kaya ngayon ay kahit hindi ako masaya at labag sa kalooban ko ay wala akong magawa dahil natatakot ako na sumuway o di kaya ay mapagsalitaan ng masama. Iba kasi magalit ang ama ko kapag sumuway ako. Pati ang mama ko ay hindi ako pwedeng sumuway. Kaya simula ng bata ako ay sumusunod ako palagi. Ang buhay ko ay hindi mahirap. May negosyo ang papa at mama ko kaya hindi salat ang buhay namin. Ngunit mahigpit ang mga magulang ko na pati ang paggala ko ay hindi ako pinapayagan. Malate nga lang ako ng uwi ay halos bugbugin na ako sa palo. Ganun ka lupit si papa at mama. Akala ko kapag gumraduate ako ng college with high honor ay hindi na nila ako pakikialaman sa buhay. Ngunit nagkamali pala ako. Mas lalo silang lumala. Para akong ibon na nakakulong sa hawla at walang kalayaan. Ako si Josephine Atasha Revamonte, 26 years old na ako pero para akong robot sa mundong ito. Sunod sunuran sa desisyon ng mama at papa ko. Sa edad kong 26 ay pwede na sana akong magsarili at mamuhay ng gusto ko. Naiingit ako sa batchmate ko na masaya sila sa kanilang buhay. May trabaho sila, pwedeng umuwi ng gabi, pwede silang magsaya kahit ano mang oras na gusto nila. Eh ako.. malate lang ng 2 minutes sa oras ng uwian ay sampal agad ang aabutin ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ganito ang buhay ko. Mas lalo pa ngang lumala ngayon dahil sa ginawa ng ama ko two weeks ago. Halos maglupasay ako ng iyak dahil pinipilit ko si papa na wag niyang ituloy. Pero kahit kailan naman ay hindi niya ako pinakinggan. Para bang wala akong sariling isip. Naiingit ako sa mga pamilya ng mga classmate ko dahil ang babait ayon sa kwento ng mga classmate ko kapag may vacant kami ay nagkukwentuhan kami. Hindi ko magawang ikwento ang buhay ko dahil wala namang masaya. Puro iyak lang ang nangyayari sa ‘kin. Sino ba naman gaganahan pakinggan ang saloobin ko. Hindi ko matanggap ang nangyari sa ‘kin lalo na ngayon. Sila papa at mama lang ang masaya habang ako ay nagdurusa. Hindi ko na nga alam kung magiging masaya pa ba ako o habang buhay nalang ako na iiyak. Two weeks ago ay nagulat ako ng dalhin ako ng mga magulang ko sa isang bahay na malaki. Akala ko ay may dadalawin lang silang kaibigan sa negosyo. Nong una ay yun ang nasa isip ko dahil kausap pa nila papa at mama ang mag asawang kasing edad lang din yata ng magulang ko. Pero laking gulat ko ng ipakilala nila ang anak nito na binata na si Esmael Villasino. Ang mas nakakagulat pa ay nong sinabi ng mama at papa ko na asawa ko na daw si Esmael at simula nong gabing yun ay hindi na ako uuwi sa bahay kundi sa bahay na ng binata. Galit na galit ako dahil hindi man lang nila ako binigyan ng kalayaan. Hindi ko man lang alam na ipinagkasundo pala nila ako sa isang binata na hindi ko naman kilala. Kaya ngayon ay nandito ako sa bahay ng asawa ko kuno. Ang apelyido ko ay iba na din at hindi ko ito gusto. Gusto ko ng umalis sa bahay na ‘to pero saan ako pupunta? Ni wala akong pera dahil kinuha ni mama ang atm ko at tanging damit lang ang hinatid nila dito sa bahay ni Esmael. Kahit piso ay wala ako. Hindi pa dyan nagtatapos ang malungkot kong buhay dahil ang asawa ko kuno ay walang pakialam sa ‘kin. Ginawa pa akong alila sa pamamahay niya. Pero isa sa nagpapasaya na lamang sa ‘kin ay hindi kami magkatabi sa kama. May sarili akong kwarto at pabor yun sa ‘kin dahil hinding hindi ako papayag na may makatabing lalaki sa pagtulog. Mukha naman kasing napipilitan lang din si Esmael sa nangayari dahil nakikita ko naman sa mga mata niya ang inis kapag nakikita niya ako. Talagang magulang lang talaga ang nag usap-usap para maging mag asawa kami ni Esmael. Umiiyak ako ngayon dahil hindi ko na kaya ang kababuyan ni Esmael. Ginawa na talaga niya akong alila. Nandito lang naman ako sa kwarto niya at inutusan niya akong linisin ang kwarto niya pagkatapos nilang magtalik ng babaeng dinala niya dito sa bahay. Pangatlong beses ng may dinalang babae si Esmael dito at talagang naririnig ko pa ang ungol nilang dalawa. Hindi naman kasi ako tanga para hindi ko maintindihan ang ginagawa nila. Ngayon naman ay katatapos na naman ng bakbakan nila ng babae. Ang walangya ay ako ang pinaglinis ng kama na basang basa at may nakikita pa akong nakakadiring likido. Pati condom na pinaggamitan ni Esmael ay nagkalat sa sahig kaya halos maiyak na talaga ako. Hindi na talaga ako masaya sa buhay ko. Tinatanong ko na lang ang sarili ko kung hanggang dito na lang ba talaga ako. Wala ba talaga akong karapatan magreklamo? Hinahanap ko ang kasiyahan na nararapat sa ‘kin pero sa tingin ko ay kapag namatay nalang siguro ako. Doon ko pa lang yata makukuha ang katahimikan. Tinapos ko na ang paglilinis ng kwarto nI Esmael at baka bumalik pa yun sa silid. Kailangan ko nalang talagang tiisin ang buhay ko. Nang matapos ako ay nilagay ko ang bedsheet sa basket na dala ko para dalhin sa laundry. Naglakad ako papunta sa pintuan na nakabuka ng konti. Sinadya ko yun para marinig ko ang yapak ni Esmael kung pabalik na siya sa kwarto niya. Nakalabas na ako sa kwarto at sakto naman na nakita ko si Esmael. Wala siyang saplot pang itaas kaya kitang-kita ko ang katawan niyang walang kadating-dating para sa ‘kin. Pero sa ibang babae yata ay gustong gusto nila ang katawan niya dahil maraming pumapatol. May itsura naman si Esmael. Pero yung itsura niya ay nakakasawa. Yung tipong kapag tinitigan ng matagal ay pumapangit sa paningin ko. Ganun ang dating niya sa ‘kin. “I’m hungry!” Bulalas niya kaya napatango ako at agad akong naglakad dala ang basket papunta sa kusina. Kailangan ko pa siyang ipaghanda ng makakain. Nakaluto naman na ako kaya ihahanda ko nalang sa mesa. Nang makarating ako sa kusina ay nagmamadali ang kilos ko na ayusin ang mesa. Hindi nalang ako nagsasalita lalo na’t sinundan ako ni Esmael sa kusina. Narinig ko na lang ang paghila niya sa upuan. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong nakaupo na siya. Two weeks ng ganito ang set up namin. Hindi kami sabay na kumakain dahil ayaw niya akong makasabay. Ayaw ko din naman siyang makasabay kumain kaya fair lang kaming dalawa. “Hindi ka ba talaga marunong mag ayos sa sarili mo?” Biglang tanong ni Esmael sa ‘kin kaya natigilan ako sa pagsandok ng kanin. “Manang na manang ang ayos mo. Balita ko matalino ka daw sabi ng mama at papa mo. Pero mukhang kinulang ka sa ganda.” Dagdag niyang sabi kaya napahigpit ang hawak ko sa sandok. “Kahit sino sigurong lalaki ay hindi magkakamali sa'yo.” Aniya kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. Hindi nalang ako sumagot at pinagpatuloy na lamang ang pagsandok ng kanin. Nang matapos ako ay inilagay ko sa mesa ang plato na may lamang kanin. Sinunod ko naman ang ulam upang makakain na siya at umalis na sa harapan ko. Mas gusto ko pa kasi kapag umalis siya sa bahay na ‘to. Sa t’wing umaalis kasi siya ay naiiwan akong mag isa. Nagagawa ko ang gusto ko dito sa bahay yun nga lang ay hindi ako makalabas. Pinagbabawal kasi ni Esmael na lumabas ako ng walang pahintulot. Gustohin ko man ay wala naman akong pera. Natatakot din kasi ako na baka tulad ng ama ko si Esmael na kapag nagkamali ako ay sinasaktan ako. “Kumain ka na.” Walang kabuhay-buhay kong sabi kay Esmael. Nakatitig lang siya sa ‘kin at hindi siya gumalaw. Hindi tuloy ako mapakali sa uri ng titig niya. “Kung hindi lang sa negosyo ay hindi kita pakakasalan.” Sabi niya sa matalim na boses. Para bang gusto niyang iparating na nagsisisi siya na ako ang naging asawa niya. Akala naman din yata niya na masaya ako na siya ang asawa ko. “Alam ko yun.. kung ako din naman ang masusunod ay ayaw kitang maging asawa. Pero dahil ang mama at papa ko ang nag desisyon ay wala akong magagawa.” Malungkot kong sabi. “Tsk.” Dinig ko mula kay Esmael. “Maghanda ka bukas, aalis tayo. Pupunta ako sa hacienda ng pamilya ko. Isasama kita hindi para mag relax doon. Isasama kita para gawing utusan. Alam nilang mag asawa tayo kaya umasta kang masaya. Kapag pumalpak ka sa utos ko ay asahan mong parurusahan kita. Nagkakaintindihan ba tayo?” Tanong niya sa ‘kin kaya tumango na lamang ako. Bakit kaso kailangan pa niyang isama ako eh pwede naman sanang hindi. Mas gugustuhin ko pang maiwan sa tahimik na bahay kaysa sa lumabas na kasama siya. Nakaalis nga ako sa bahay ng mama at papa ko pero dito lang din pala ang bagsak ko. Hindi na ako nagsalita pa at umalis nalang ako sa kusina para makakain na si Esmael. Baka masuka pa siya kapag nasa harapan niya ako. Hindi naman kasi ako kasing ganda. Ayon nga sa kanya ay kahit siguro sinong lalaki ay walang magkakamali sa ‘kin. Manang kasi ako manuot. Yung buhok ko ay mahaba na kulot. Maputi naman ang balat ko. May suot din akong makapal na salamin dahil malabo ang mata ko. Pagdating sa kasexyhan ay walang wala talaga ako. Walang ka curve-curve ang katawan ko. Kaya malamang ay wala talagang magkakagusto sa ‘king lalaki. Yung suot kong saya nga ay lampas tuhod pa eh. Paglalabas ako dati ay palaging maluwag na pantalon at longsleeve ang suot ko. Hindi ako nagsusuot ng sexy na damit dahil kapag nakita ako ng ama ko ay sinasabihan niya ako na lumalandi na daw ako. Kaya hindi ko na sinubukan pa upang hindi na ako masaktan hanggang sa nakasanayan ko na ang ganitong ayos. Mas komportable na din ako sa ganito para walang lalaking lilingon o magkakagusto sa ‘kin. Wala akong planong mag asawa pero sa ginawa ng papa at mama ko ay nandito ako sa sitwasyon na ‘to. May asawa nga pero wala namang kwenta. Akala ko pa naman ay mabait si Esmael yun naman pala ay hindi. Wala talaga akong mapupuntahan. Wala akong choice sa buhay ko kundi ang magtiis. Hindi na ako aasa pa na magiging maganda ang takbo ng buhay ko. Sobrang malas na kasi mula sa mga magulang ko na walang ginawa kundi ang higpitan at pakialaman ang buhay ko na para bang wala akong sariling isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD