Chapter 42 Josephine’s Pov ISANG LINGGO ng panay ang punta ni Kamden sa kwarto ko. Hindi ko siya mapigilan dahil nakakaya niyang buksan ang room ko. Minsan nga ay nagugulat na lang ako na nasa loob na siya ng kwarto ko at hinihintay niya lang ako. Alam ng diyos kung ilang beses ko siyang pinaalis sa kwarto ko. Nong una ay hinayaan ko lang siya pero sa pangalawang pagkakataon ay pinagsabihan ko siya na hindi siya pwedeng pumunta dito sa kwarto ko ng basta-basta. Natatakot kasi ako na baka may makakita sa kanya na pumapasok sa room ko at lumalabas kapag pinipilit ko siyang pinapalabas ng kwarto ko. Tapos na ang duty ko kay himala ngayong gabi na hindi ko nakita si Kamden na nag aabang sa ‘kin sa labas. Dalawa lang naman ang ginagawa niya eh. Mag aabang sa labas ng hotel kung saan ako na

