Chapter 81 Josephine’s Pov ANG SARAP ng tulog ko kanina kaya muntik na akong malate sa duty. Si Kamden kasi hindi ako ginising dahil ayaw niya akong pumasok sa trabaho. Ayaw ko namang pumayag dahil sigurado akong mapapagalitan ako ni madam K. Nagmamadali tuloy akong bumangon at naligo para makapagbihis na ako. Si Kamden naman ay pinaghahandaan ako ng agahan. 8AM kasi ang pasok ko hanggang 4PM. Pabago bago ang sched ko dahil yun ang binigay sa ‘kin ng leader. Ganun naman talaga kami lahat at every week yun. Tapos na akong maligo at agad akong nagbihis. Nagmamadali ang kilos ko at naglagay na din ako ng makeup sa mukha. Kahit malate ay kailangan maglagay parin ng makeup at baka masampulan na naman ako ni madam K. Bigla bigla pa naman yung sumusulpot at tinitignan ang mga itsura namin

