Isla Del Desire 2: Kaemon Paterson Chapter 41 Roxanne’s Pov NAGISING ako na masakit ang ulo ko. Kaagad akong napahawak sa noo ko at mahinang hinilot ito. Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at nagtaka dahil hindi ko kilala ang kwartong ‘to. Kaagad akong napatingin sa paligid at nabapalikwas ng bangon. Doon ko lang napansin na iba na ang suot kong damit. Isang white tshirt na at malaki ito sa akin. Napansin ko din na wala akong suot na bra. Pero may suot naman akong panties. Nagtataka ako dahil ang huli kong naalala ay magkasama kami ni Luther at umiinom ng kape. Nawalan yata ako ng malay pero hindi ko ine-expect na bibihisan niya ako at tatanggalan ng suot na bra. Magpagnanasa yata ang animal na yun sa akin eh. Humanda talaga siya pag nakita ko siya. Tatanggalin ko lahat ng pilikma

