Katrina Point of View Umalis na lamang ako at hindi nagpakita kay Delfin buong maghapon dahil hindi mawala sa isip ko kung bakit hindi sinabi sa akin ni Delfin na nagpunta siya kay Wilma at magkasama sila buong magdamag? Hindi ko tinanong pero di’ba dapat ay loyal siya at sasabihin niya ang tungkol doon? Nagpunta ako sa burol kung saan ko siya sinagot, doon ako nagpalipas ng oras at hindi ko namalayan na papagabi na pala kaya nagpasya akong doon na lamang ako nagpalipas ng buong magdamag na hindi din naman ako nakatulog sa kakaisip. Umuwi ako ng bahay kinaumagahan. Sikat na ang araw nang makarating ako sa amin. Nagtataka ako kung bakit hindi walang tao sa paligid na dapat ay abala na ang mga tao sa kanya-kanyang mga gawain. Nang malapit na ako sa may ginawang plaza noong piye

