Katrina Point of View Ilang araw pa ang lumipas ay wala pa din si Delfin. Parang nawalan ako ng gana bigla kahit ang makisali sa mga gawain dito sa bukid. Nagtataka naman sila sa akin pero hinahayaan lamang nila ako at hindi pinipilit na sumama. Tulad ngayon abala silang lahat sa pag pitas ng mga mais at ako ay nandito mag-isa. Binabagabag ako ng mga sinabi at pinakita ni Wilma na pictures sa akin. Kung nasa Rancho lamang si Delfin bakit hindi siya makauwi dito? Gaya ng dati ay dito lamang ako sa puno ng manga nagpapalipas ng oras. Tumingala ako sa puno at makakakita ka ng maraming bunga. Tumingkayad ako para makakuha ng isang manga pero hindi ko iyon naabot kaya naghanp ako ng panungkit at bigo pa din ako. Tinitingnan ko ang puno at ang branch nito kung papaano ako maka

