Chapter thirty two KATRINA’S POV’S Sumama ako kanila aling Delia at Gabby sa palengke, gusto ko rin mamasyal at gumala, lalo pa at ang mga kasama ko ay mababait, wala naman kaming ibang gagawin kung hindi ang bumili ng uulamin. Puro gulay ang binibili nila na isasahog sa isda, hindi sila gaanong mahilig sa karne sa barrio, kapag nagkakarne sila madalas kapag okasyon. Puro exotic nga minsan eh, pero masarap naman mga pinagkakain nila sa barrio, lalo mga gulay na pinagsasama nila, mga talbos ng kung ano anong gulay. “ Tiya Delia gusto ko ng labong.” “ Oo, hahanap ako ng isasahog doon sa kinuha ni Delfin na labong.” “ Ano po yung labong?” tanong ko sa kanila. “ Kawayan.” “ Kumakain kayo ng kawayan? Diba ang laki nun?” nagtaka ako sa sinabi nila, kawayan kinakain? Paano? Ang haba nun

