Chapter forty seven KATRINA’S POV’S Nawala na ang kaba at iniisip ko ng makauwi ako sa bahay, nauna pa ngang umuwi si Delfin kesa sa amin, sinalubong niya kaming apat habang naglalakad pauwi. “ Mukhang marami kinita si Botchog.” Sabi niya habang ginugulo ang buhok ni Botchog. “ Oo kuya Delfin, heto oh.” Pinakita niya ang baryang kinita niya at tuwang tuwa siya dahil napakarami nito, halos mahulog na nga ang suot niyang shorts dahil mabigat sa bulsa ang barya. Sumabay sa amin si Delfin an maglakad papunta sa bahay. “ Ano yang dala dala mo?” tanong niya sa akin. “ Hindi kase nabenta kaya pinamigay na lang ni aling Delia sa akin, pwede natin tong ulamin ngayon.” “ Mangunguha ako ng itlog, pwede natin ilagay diyan.” Ang sagana sa lahat dito sa barrio, pumunta ka lang sa bakuran may mau

