Katrina Point of View “Ayos lamang ba kayong dalawa?” nag-aalalang sabi ni Aling Delia, Napabitaw ako bigla kay Delfin alam kong dismayado siya pero ayaw ko lamang na makahalata sila na may relasyon kaming dalawa. Mahirap na baka maging malaking issue pa iyon dito. Lumangoy ako papunta sa may balsang kubo tinulungan naman nila akong maka-ahon. “Ayos lamang ho ako, hindi lang po ako kaagad naka-kapit kaya nalaglag ako. Huwag na po kayong mag-alala,” hiniwas ko pa ang likod ni Aling Delia dahil mukha itong nerbyos. “Susko po kayong mga bata kayo, Isa ka pa Nelson ikaw na bata ka’y daig mo pa ang musmos kung makapaglaro sa balsa. “Aling Delia, hindi po ba masarap ang bumalik sa pagkabata, halika po at subukan n’yo,” napailing na lamang ako kay Nelson dahil sa s

