Chapter seventy six RINA’S POV’S Naglalakad na ako pauwi sa bahay, hindi ko naman kase alam kung saan hahanapin si Delfin, mas inuna talaga niya si Kat? Ang dami naman nila bakit siya pa ang kailangan mag asikaso sa kanya? wala bang ibang kamag anak si Kat? Wala bang mga magulang? Wala bang kapatid? Bakit si Delfin pa? Nalungkot ako ng sobra kakaisip, pero kinakalma ko ang aking sarili dahil ako rin naman ang kawawa kapag nag isip ako ng malala lalo at hindi ko naman nakita kung ano ang dahilan kung bakit hindi umuwi si Delfin. Malapit na ako sa arko ng barrio Masilang ng makita ko si Delfin na nakatayo doon at nakatitig sa akin, hindi ba ako nananaginip? Sapat naman ang tulog ko kanina. Si Delfin ba talaga ang nakikita ko ngayon. Siya na mismo ang lumapit sa akin. “ Saan ka nanggal

