Katrina Point of View Malayo ang binyahe naming ni Jabed para lang makarating dito sa napakagandang kainan dito sa lugar nila. Vinatge ang style at ramdam mo ang pagkaaliwalas dahil gawa ang mga ito sa kawayan. Ang mga katawan ng puno ay nasa may gitna ng kainan na parang pinasadya. Ang mga upuan na yari sa kawayan na kinulayan ng varnish para mas maganda ang kulay at pare-pareho. Kahit hindi pa pasko ay may mga nakasabi na kaagad na mga Christmas light at mga lantern sa may labas at loob ng kainan. Ma mga naka hang na halaman din sa loob at sa labas nito ay mga nakatamin sa paligid ng kainan. Talagang nakaka-enganyo kumain dito lalo na kung kasama mo ang pamilya mo. “Do you like it here?” tanong ni Jabed sa’kin. “Oo naman, ang ganda dito at relaxing,” nakangiti kong sabi sa k

