Chapter seventy one WILMA’S POV’S Walang nag iimikan sa amin ngayon, nagkakahiyaan pa sila Delfin at Kat na mag usap, ako ang magtutulak sa kanilang dalawa upang mapalapit muli pero ako din sisira sa kanila kapag nawala na sa landas ko si Rina. Yan ang plano ko. “ Nasaan si mama?” tanong ni Kat sa akin. “ Umuwi muna kaya kami ni Delfin ang magbabantay sayo ngayon.” nailang siya sa sinabi ko, hindi niya inasahan na mangyayari ito. “ Gusto ko na rin umuwi.” Aakma n asana siyang umalis pero tumayo si Delfin at lumapit sa kanya upang pigilan siya. “ Ano bang ginagawa mo? Masama ang pakiramdam mo kaya dumito ka muna.” “ Mas sasama ang pakiramdam ko kapag nanatili ako sa ospital.” Gusto talaga niyang umalis pero pinipigilan siya ni Delfin. “ Kat, makinig ka sa akin, hindi nakakabuti yan

