Chapter fifty three WILMA’S POV’S Ang galing talaga mang inis ni Rina, kaya sakto kanina nadaanan ko siya, hindi ko naman talaga sinadya na alikabok ang maipaligo ko sa kanya, usok lang dapat kaso may sumamang alikabok kaya natawa ako. Papunta kase ako kay Delfin kaya napadaan ako sa eskwelahan, hindi ko naman alam na nandito din si Rina, mukhang hinatid niya ang mga bata kaya siya nasa harap ng eskwelahan. Nakakatawa, nakarma siya sa ginawa niya sa akin kahapon, anyway, kailangan kong makita si Delfin ngayon, kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nakita sa isang araw. Nasa bukid siya ngayon at may dala dala akong pagkain para sa kanya. Hindi ko naman maaaring ipaubaya si Delfin kay Rina, anong alam niya sa gusto at ayaw ni Delfin eh ilang buwan palang naman silang nagkakasama. “ H

