Gaya ng ipinangako ni Edward sa sarili at kay Xavier ay hindi nga niya ito pinabayaan. Tuwing may pagkakataon siya na puntahan ito sa bahay nila ay ginagawa niya. He’ll go straight to Xavier every lunch time and after his classes. Nakalabas na ito ng ospital ilang araw na ang lumipas. Ngunit pinapahinga pa rin ito sa kanila upang hindi mabigla ang utak nito. Lalo na’t may ilang bagay itong hindi naaalala. Kasama na si Edward dito. Pagbukas pa lamang ni Edward sa gate ng bahay nina Xavier ay narinig na niya agad ang pinapanuod nito. Ang hilig nito sa musika. Papalubog na ang araw at unti-unti nang kinain ng kadiliman ang paligid. He’s still wearing his school uniform. Kagagaling lamang niya sa university nila’t dumiretso siya rito. He was about to close the gate when a car stopped in fr

