Nakatingin sa tabi ang mama ni Xavier na si Elisa habang sinusubukang buksan ni Bill at Junel ang pinto ng silid ng kanyang anak. Isa pang malakas na pagbundol ang ginawa ni Bill at Junel sa pinto bago nila ito nabuksan ng tuluyan. They almost lost their balance when the door swung open. Mabuti na lang at naitukod nila agad sa harapan ang isang paa upang magsuportahan ang bigat ng kanilang sarili. Nahinto sila sa pagkilos nang maayos na nila ang pagtayo lalong-lalo na nang dumapo ang tingin nila sa katawan na nakahandusay sa sahig. Hindi gumagalaw ang katawan. They cursed under their breath. Agaran na pumasok si Elisa pagkabukas ng pinto. Hindi mapalagay ang kanyang damdamin nang una niyang nakita ang katawan ng kanyang anak pagkapasok pa lamang niya. She’s been worried when his son, X

