~Cyrus De Silva~ Pagkatapos naming mag-usap ni Ms. Rama sa bahay niya, papauwi na sana ako nang makita ko si ninang na pumasok sa isang coffee shop kasama ang amiga niyang si Tita Mildred. Palihim akong pumasok sa loob ng coffee shop, släsh delivery service, släsh flower shop kung saan galing ang mga bulaklak at chocolates na pinapadala ng secret admirer niya. Bakit kaya sila nandito? Siguro ay nagkaroon na ng lakas ng loob ang manliligaw ni ninang? Dito sila magkikita? Napa ikot na lang ang mata ko, feeling teenager si gurang, may pa eyeball eyeball pang nalalaman. Oo, naiinis ako. Inis na inis at nagseselos sa mader fvcker na secret admirer ni ninang. Concern lang naman ako. Bakit hindi sa bahay pumunta ang manliligaw niya kung talagang seryoso yun sa panliligaw? Bakit kailangan p

