Chapter 40 ~Via Jonda~ “Talagang ipamimigay mo na lang ako? Fertile ka ngayon di ba? What if… subukan natin Via. Kung hindi tayo makakabuo ngayon, siguro sign na yun para tigilan na kita at piliin na lang si Heart. Dahil ayaw mo naman talaga sa akin. So… payag ka ba, subukan natin ngayon?” Papayag ba ako? Ayokong maging impulsive. Pero ang dami kong naging plano, nagsikap din ako pero wala naman nangyari, malungkot pa rin ako. Baka ito na nga… baka dito na ako sasaya. Dito na ako Handa na sana akong subukan… Papalapit na sana ang labi niya sa labi ko nang binaling ko sa kabilang side ang mukha ko. I pushed his chest away from me. “Ayoko, Cyrus. Not tonight. Matapos mong magpakasarap sa teacher na yun… no fvcking way. Nakakadiri, Cyrus. Nakakadiri!” sabi ko. And I burst into tears

