~Via Jonda~ “San nga po pala si Cy? Hindi kasi siya nagseseen sakin,” tanong ni Josh sa akin. “Ah kasama niya yung adviser niyo. Sabi uuwi rin siya agad. my gosh, two hours na. Hindi naman sinabi kung saan pupunta.” “Si Ms. Rama? Magkasama po silang dalawa lang sa bahay ni Ms. Heart? Hindi pa rin pala sila tapos…” “Anong hindi pa sila tapos? Saan? Sa bahay? Silang dalawa? Sa kwarto?” Nataranta na ako sa sinabi ni Josh kaya hinawakan niya ang magkabila kong braso at niyugyog niya ako. “Whoa Tita, chill out. Nagtatanong lang ako. I didn't say they were in Ms. Rama’s house. Wala rin akong sinabing sa kwarto…” Napabuntong hininga na lang ako at kumalma. Oo nga pala, nagooverthink na naman ako at nag overreact. “Halika na ngang bata ka at dito tayo sa loob mag-usap.” Hinila ko ang

