Chapter 57- Wasted mourn. Split Intention to Love Conflicts. Dahan-dahang isinara ni Nastia ang pintuan ng kwarto ng kaniyang ama ng makapasok na siya sa loob, bumalik siya doon na mag-isa dahil hinayaan niya muna na makapag-usap si Maki at ang gwapong doctor na hindi niya inasahan na ito talaga ang dating kaibigan ni Maki na ang alam nito ay matagal ng pinatay ng ama ni Maki. Kita niya ang gulat sa mukha ni Maki habang nakatingin sa dating kaibigan na nakikilala parin si Maki, ayaw naman niyang makasagabal sa dalawa kaya nagsabi siya kay Maki na mauuna na siyang bumalik sa kwarto ng kaniyang ama at dinala niya ang mga biniling gamit ni Maki na gagamitin nila for three days. Naglakad na siya palapit sa kaniyang ama na kakatapos lang mabigyan ng gamot ng nurse na nagpalaam na rin at luma

