Chapter 55: The Encounter Split Intentions to Love Conflicts Humahangos na tumatakbo si Nastia sa hallway ng Ospital na may pag-aalalang reaksyon sa mukha nito, nakasunod lang si Maki sa likuran ng dalaga. Nag-aaway silang dalawa ni Verchez sa kusina dahil sa kawali ng puntahan siya ni Nastia sa na nagpipigil ng iyak na tinawag ang pangalan niya, dahil doon ay naputol ang bangayan nila at agad niyang nilapitan si Nastia at sinabi nito ang tungkol sa natanggap nitong tawag. Ang tawag na natanggap ni Nastia ay galing sa St. Gabriel Hospital sa Kalibo, aklan kung saan sinabi ng tumawag kay Nastia na staff doon na naroon ang mga magulang nito. Agad na nagpa book si Maki ng flight nila pa Kalibo at iniwan si Cathy sa panga-ngalaga ni Ruhk. Hindi nila sinabi sa bata kung saan sila pupunta n

