Balak ko na sanang umalis agad ng maihatid ko na ang dalaga sa kanyang unit ngunit nabigla ako ng maglambitin ito sa leeg ko. Alam kong kailangan ko ng umalis bago pa man humulagpos ang natitira ko pang pagtitimpi. Being this close with Rozel is a torture for me! “D-dito ka lang,” sambit nito sabay hila sa akin papasok sa loob. “Ipagtimpla mo ako ng kape! Dali!” Wala akong nagawa kundi ang tumalima sa utos nito. Nagtungo ako sa kitchen nito at ipinagtimpla nga ito ng kape. Ngunit nang makabalik ako sa living room, hindi mapakali ang dalaga, pilit hinuhubad ang suot nitong damit. “B-bakit ang init, ha?” singhal nito sa akin. Mabilis naman akong lumapit dito, pilit pinipigilan ang ginagawa nito. “Inumin mo na ‘tong kape mo. God! You look like sh*t, Rozel!” “Shut up, Fortalejo! Hindi

