CHAPTER 36 HALOS 'di ako makapaniwala sa lahat ng mga nabasa kong sulat na iniwan ni Faye, sa ibabaw ng table namin pinagmasdan ko si Nico mahimbing itong natutulog sa sofa habang pinagmamasdan ko ang anak namin muling sumariwa samin ni Faye ang lahat limang taon na ang nakalipas. FLASHBACK LAGLAG-balikat kong tiningnan ang papalayong si Tanya matapos iabot sakin ang annulment paper na sinadya nito. "S-sorry," Napalingon ako kay Faye. "What are you doing here? Nag-usap na tayo 'diba?" Mahina kong tanong sa kanya sapat na para marinig niya. "Kasalanan ko lahat," "Faye, not now! Nakita mo 'diba? Narinig mo wala na si Tanya, sumuko na siya!" "Mico, nandito ako! nandito ako! nandito kami ng anak mo," "But my dad wants Tanya, Faye! 'di lang si daddy kundi ang buong pamilya ko si Tany

