MALIGAYA VILLAGE YEAR 2009 KATELYN POV Sa wakas at mag-third year high school na ako, malapit-lapit na rin matapos ang kalbaryo ko! Sa totoo lang gustong-gusto ko na rin magtapos para naman makatulong na kay Mama, hindi naman kasi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap but I still need to help my family! Si Papa driver lang sa mansiyon ng mga Charles, sila ang sikat na pamilya dito sa lugar namin, ang sabi-sabi pa ay isa sila sa may-ari ng school namin, wala naman akong paki-alam sa kanila as long as huwag silang mag-inaso sa mga policy nila sa school, marami silang mga patakaran na kung ano-ano lang! "Lyn anak, anong oras na? bakit ba nakatanga ka pa riyan ha?" "Eh Ma, ang dami kasing tumatakbo sa isip ko, lalo na ang pagtra-trabaho ni Papa sa pamilyang iyon!" "Bakit anak, mayro

