Halos mapatitig ako sa detective nang dumating siya sa office since marami na rin ang kapulisan dito. "Huy! Ano naglalaway?" "Luh, sinong naglalaway?" Patay malisya kong balik na tanong kay Nicole at napatingin naman si Elle at Marissa habang kinakausap ni Elle si Marissa about sa mga ibibilin niya. "Is there's a problem?" "Si Lyn kasi Ma'am nag-twinkle ang mata kay detective!" "I am not! Parang tanga itong si Nicole—" Naputol ang sinasabi ko nang biglang tumambad na sa akin si Detective Sarah. "Hi, sino kaya ang pwede kong makausap sa nangyari?" "Ahmm ako at si Ms. Charles" Sagot ko naman sabay tingin kay Elle na ngayon ay parang hindi maipinta ang mukha, hindi talaga niya gusto ang presence ni detective Sarah, ewan ko kung bakit kaya. "So maybe I can talk to both of you" "We

