*Joiner's*
Part3
Lesley*
POV
Inalis ko agad ang tingin ko dito sa Bwisit na to.
Sumandal nalang ako ulit sa balikat ni Sebastian.
"Seb?" Bulong ko.
"Ow?" Bulong nito.
"Palit tayo ng upuan." Bulong ko.
"Gaga. Baka sapakin ako nyan." Bulong nito.
"Hindi. Bakit ka naman nya sasapakin. Sino ba sya." Sabi ko.
Napalakas yata ang Boses ko.
"Hmm. Excuse me Bro. Palit tayo. Ayoko katabi tong Babae na to." Sabi ni Andrew sa Katabi nyang Lalaki.
Nagpalit sila kaya itong Lalaki na nasa Dulo kanina e ngayon katabi ko na.
Pumikit nalang ako at yumakap kay Sebastian.
Sumandal din si Sebastian sa Ulo ko.
"Hmm." Huni ko.
"Tulog ulit tayo." Bulong ni Sebastian.
"Oo nga. Inaantok pa ko e." Bulong ko.
Tumango si Sebastian.
Inayos nito ang pagkakasandal ko sa kanya.
Yumakap na ito saken kung san nakaunan ako sa Dibdib nito.
Gwapo to si Sebastian kaso Gwapo din ang Hanap nito.
"Tulog kana." Bulong nito.
"Mmhmm?" Huni ko.
**
Makalipas ang ilang Oras
Tinatapik ako ni Sebastian sa balikat ko.
"Bes. Nandito na tayo. Bubuhatin na ba kita?" Bulong nito.
Idinilat ko ang mga Mata ko.
Bumitaw na ko sa pagkakayakap ko dito kay Sebastian at lumabas na kame dito sa sasakyan.
Kame nalang pala ang hinihintay ng mga Kasamahan namen.
Nandito na kame sa isang Beach Resort.
Ibinaba na nila ang mga Maleta at kanya-kanya kame ng hatak sa mga ito.
"Hi.? Ako si Anne. Ako ang may-ari ng Page na Joiner's. Kasama ko ang mga Pinsan ko na Kapwa ko Single. Si Dereck at Nick. Si Dereck yung Driver naten." Sabi ni Anne.
Nagpatuloy ito sa pagpapakilala samen isa-isa.
Sinabi naman ni Sebastian na Bestfriend kame.
"Bestfriend with Benefits. Tsk." Sabi ni Andrew.
Tumingin ako sa kanya at nakangisi sya saken.
Yumuko nalang ako at inalis ang tingin ko kay Andrew.
Nagpatuloy si Sebastian sa pagpapakilala samen.
Tahimik lang ako.
"Matagal na kameng Bestfriend.? Mga 13 years na." Sabi ni Sebastian.
Napapa *Wow ang mga kasamahan namen.
Nakikinig lang ako.
"Nakakatuwa naman.? Never ba kayong nainlove sa isa't isa?" Sabi ni Anne.
"Nako. Never. Lalo't Lalaki ang hanap ko.?" Sabi ni Seb.
Nagpakilala yung iba pa.
Mikaela, Jelai, Kris, Yanna at Maui.
Yung mga Lalaki naman sila Vladimir, Erwann, Dane at si Andrew.
Nagsimula na kame sa pag-uusap kung saan ang mga Hotel Room namen.
Nakaalalay si Sebastian saken at nakakapit ako sa Braso nito.
Naglalakad kame papunta sa Hotel Room.
Magkatabi kame ng Hotel Room ni Sebastian at excited na kame pareho na magswimming.
Habang naglalakad tahimik lang kame ni Sebastian kase kasamahan nameng naglalakad ang mga ka Joiner's namen.
Nandito sa gilid ko si Andrew.
Ramdam ko na nakatingin ito saken at mukhang pinag-iinitan nya ko.
"Hmm. Anong gusto mong kainin mamaya?" Sabi ni Seb.
"Uhm. Gusto ko ng magulay.?" Sabi ko.
"Okay.?" Sabi nito.
Pagdating sa Hallway kanya-kanya na kame ng Pasok sa Hotel Room.
Hinatid ako ni Sebastian dito sa Room ko at nagpasalamat ako sakanya saka sya pumunta sa Hotel Room nya.
Pumasok na ko at isinara agad itong pinto.
Ni-lock at inasikaso ko na itong Maleta ko.
Nilagay ko sa Kabinet.
Sabi ni Anne isang Linggo kame dito.
Pagkatapos e depende kung gusto pa sumama ng iba pa samen sa mga susunod na Byahe.
"Hays." Sabi ko.
Nag bukas ako ng Maleta saka nagkalkal ng Two Piece.
Naghubad ako saka nagbihis nitong Kulay Pula na ito.
Tinignan ko itong sarili ko sa Salamin.
Ang Sexy ko.
Sobra.
Sana makabingwit ako ng Boys agad.
Depende kung matino yung makikilala ko.
Matao sa Resort na to kaya marami akong makikilala.
*knock knock
"Bes! Lezgo na!" Sigaw ni Sebastian.
Nagsuot ako agad ng Blazer ko saka ko binitbit itong pouch ko na nakalagay ang cellphone at pera ko.
Lumabas ako dito sa Room at naglakad kame ni Sebastian papunta kame sa Beach.
Nasa malayung banda sila e kita ko na yung Maui na nakakapit sa Braso ni Andrew at nagtatawanan silang dalawa.
Lumapit kame ni Sebastian at tumingin ako agad kay Anne.
"Osha. Mag si ligo na tayo.?" Sabi nito.
Kanya-kanya kame ng punta dito sa Tabing Dagat.
Naupo kame ni Sebastian at nilalaro ko itong buhangin sa mga Daliri ko.
"Bes! Lalangoy na ko ah." Sabi ni Seb.
"Sige lang. Dito lang ako.?" Sabi ko.
Lumangoy si Sebastian at nagpatuloy lang ako sa paglalaro dito sa Buhangin.
Binibilog ko to saka nilalagay sa tubig alat at kumakalat ito.
Nakakatuwa.
Nagpatuloy pa ko.
Nagulat lang ako ng may tumama sa Mukha ko at napapikit ako.
"Shet! I'm so sorry!" Sabi ni Maui.
Idinilat ko ang mga Mata ko at makati ito.
Lumapit agad si Sebastian at binuhusan ako ng Tubig Dagat sa mukha ko para maalis ang Buhangin na to sa Mata ko.
"Ah!" Reklamo ko.
"F*ck!" Sabi ni Sebastian.
Binuhat ako nito at nararamdaman kong tumatakbo ito pero hindi ko alam kung saan kame pupunta.
"Seb? Saan tayo pupunta?" Sabi ko.
"Shhh." Huni nito.
May maligamgam na bumuhos sa Mukha ko.
Pagdilat ko nag-aalala ang reaksyon ni Sebastian.
"Bes? Masakit pa ba?" Sabi nito.
"H'Hindi na." Bulong ko.
Lumapit agad si Anne at tinignan kung okay lang ako.
"Wala ito.?" Sabi ko.
"Hays. Maui! Halika nga dito!" Sigaw ni Anne.
Lumapit si Maui saken at hinawakan ako sa kamay.
"Sorry girl.? Hindi ko sinasadya. Nagbabatuhan kase kame ni Mikaela e. Nabato ko sayo yung binilog kong buhangin. Sorry talaga." Sabi nito.
"Wala yun.? Okay lang ako." Sabi ko.
Niyakap ako nito.
Pagkabitaw nito ay tumingin pa ito sa mga Mata ko.
Nag-aya na si Anne.
"Uhm. Babalik nalang muna ko sa Room ko. Inaantok kase ko e." Sabi ko.
"O sige sige. Naiintindihan naman namen.? Mamayang gabi iinom tayo ah?" Sabi ni Anne.
Tumango ako.
Inalalayan ako ni Sebastian at ihahatid ako nito sa Hotel Room ko.
Naglakad kame.
"May something sa Maui na yun girl. Pero nakita ko naglalaro nga sila nung Mikaela pero nataon naman na sayo na bato yung buhangin. Diva?" Sabi nito.
"Hayaan mo na. Siguro naman hindi na sya uulit." Sabi ko.
Pagdating dito sa Hotel Room ko nagpaalam na si Sebastian na babalik sya dun kila Anne.
"Type ko si Nick.☺ Daks siguro yun." Sabi nito.
"Napaka ano mo. Sige na. Salamat.?" Sabi ko.
Dali-dali naglakad si Sebastian palayo saken.
(Kinikilig ang putang*na.)
"Hays." Sabi ko.
Pumasok na ko dito sa Kwarto ko saka isinara ang pinto tapos ni-lock.
Naligo nalang ako sa CR.
Pagkatapos nagbihis at tinignan ko itong Mata ko na natamaan kanina.
Namumula ito at medyo mahapdi.
"Ang sakit." Bulong ko.
*knock knock
Dali-dali akong sumilip sa Butas nitong pinto.
Wala namang Tao sa labas.
"Sino yung kumakatok dito sa Kwarto ko." Bulong ko.
Umatras ako at nagsimula ulit ang pagkatok kaya binuksan ko na itong pinto.
Hindi ko inaasahan na si Dereck ito.
"Hi.?" Sabi nito.
"Uhm. Hi.?" Sabi ko.
"Gusto ko lang i check kung ok ka lang.?" Sabi nito.
"Uhm. Okay naman ako. Kailangan ko lang magpahinga." Sabi ko.
"Hmm. Can i join you?" Maakit na sabi nito.
Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin nito.
"J'Join? Saan? Uhm. Okay lang naman ako." Sabi ko.
Dumaan si Andrew sa likuran ni Dereck.
"Malandi talaga. Tsk. Kunwari pang hindi alam ang Join." Sabi ni Andrew...