Pagkakain nila ay nag-offer itong ihatid siya pero nagsinungaling siya na magkikita sila ng pinsan nya kaya kung saan na lang siya nagpababa dito. Ayaw nyang magtanong ang Tita nya. Hindi nya alam kung paano mag-explain. Hihintayin pa sana nitong dumating ang pinsan nya bago umalis pero pinilit na nya itong umalis muna. Sinabi nya na lang na ayaw nyang magsinungaling sa pinsan nya kaya ayaw nyang ipakilala nya itong boyfriend. Matagal din bago niya ito nakumbinsing umalis na. Nang makaalis na ito ay pumara agad siya ng taxi at nagpahatid sa kanila. Nang magising kinabukasan ay hindi agad siya bumangon. Hanggang ngayon ay hindi nya alam kung tama bang pumayag siya sa sinabi nito or hayaan na lang nyang pagtawanan siya ng buong school sa pagiging ambisyosa nya. Hindi pa talaga sana siya bab

