Nang marinig nya ang paalis na kotse ni Andrew pagkapasok nya sa kanila ay agad na bumugso ang luha sa mga mata nya. Kanina pa siya nagpipigil. Ayaw nyang umiyak sa harap ni Andrew. Ayaw nyang magmukhang kawawa. Nakasandal siya sa nakasarang pinto ng bahay nila. Ni hindi na nya magawang humakbang pa. Nawalan na siya ng lakas. Nakita siya ng Tita nya sa ganoong kalagayan. Agad itong lumapit sa kanya. " Ano'ng nangyari sa'yo, bata ka?" nababahalang tanong nito. Biglang tumakbo siya dito at yumakap habang tuluy-tuloy pa rin ang pag-iyak. Alam nyang basang-basa na ang balikat nito sa dami ng luhang umaagos sa mga mata nya. Parang maghihisterya na ang pag-iyak nya. Masakit na masakit sa pakiramdam na para siyang hihimatayin. Hindi na nagsalita ang Tita nya at inakay siya nito paupo muna haban

