KABANATA 2

1046 Words
Pakiramdam nya ay wala pa namang nakakaalam kung sino ang may-ari ng diary na binabasa ng lahat dahil wala pa namang pumupukol ng masasamang tingin sa kanya. Medyo nakahinga pa siya nang maluwang. Papunta siya ng canteen nang bigla siyang hinila ni Sophia. "Uy, Ashley, alam mo ba ang tungkol dito?" pabulong na sabi nito habang ipinapakita ang hawak na papel. Hindi na siya nagtaka na may kopya din ito. Patay-maling tiningnan nya lang ito at hindi umimik. "Sa’yo to, noh?! Ito iyong hinahanap mo kahapon?" wala talagang preno ang bibig nito. Naiinis na itinakip nya ang kamay sa bibig nito. "Sophia!" pinandidilatan nya ito ng mga mata. Tinanggal nito ang kamay nya sa bibig nito. "Ay, sorry. Pero patay ka talaga. Pano kung malaman nilang sa’yo yun?" pabulong na uling sabi nito. "Saka ko na iisipin." Siguro naman hindi iyon babasahin lahat ni Trixie, noh. Parang tamad naman itong magbasa. Iyon na lang pakunswelo nya sa utak nya. Alam nyang mawawala din siguro iyong kaguluhan tungkol sa mahiwagang babae sa diary kaya kampante na siyang pumasok ng school. Alam nya ang ugali ni Trixie, wala itong pasensyang magbasa talaga. Sana naman itapon na nito ang diary nya. Nakita nya uli ang kumpul-kumpol na estudyante sa lobby. Hawak pa rin nito ang mga papel na may sulat kamay nya. Ipinagkibit-balikat na lang sana nya nang biglang tumahimik ang lahat nang dumaan siya. Nagbubulungan pa ang ilan sa mga ito habang tinitingnan ang mga hawak na kopya. Bigla siyang kinabahan. Uminit na lang bigla ang mga pisngi nya. Gusto nyang tumalikod na lang nang biglang may humarang sa dadaanan nya. Dahil nakayuko ay nakita nya una ang pares ng mga sapatos na alam nyang si Trixie ang may-ari. "So... you're the mysterious girl." mariing sabi nito. Dahan-dahan siyang napaangat ng tingin dito. Naramdaman nya ang mga nanghuhusgang tingin ng lahat ng naroon. Hindi siya makaimik. Nakatingin lang siya sa mukha nitong di maipinta. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "You're not Drew's type. Lam mo bang muntik na akong maniwala sa mga nabasa ko but seeing you..." walang paligoy-ligoy na sabi nito. Napalunok siya sa kahihiyan. "Are you sure na totoong lahat ng nandito?! Or you're just imagining things?" napaismid pa ito at paulit-ulit na napatingin sa kabuuan nya na para bang diring-diri. Gusto nyang lamunin na siya ng lupa. Hindi nya alam na ganito ang kahahantungan ng pagpapantasya nya kay Andrew. Pinipigilan nya talagang maiyak sa harap ng lahat. " Ang kapal naman ng face mo, girl. Saan-saan pa kayo umabot ni Drew sa diary mo,ha?" natatawa pang sabi ng isang kaibigan ni Trixie. Nagtawanan na rin ang lahat ng nakarinig. Mas malakas nga lang ang maarteng pagtawa ni Trixie. "Ambisyosa!" Sasagutin na sana nya ang mga ito dahil hindi nya mapapayagang laitin siya nang ganun-ganun na lang. Nang biglang may umakbay sa kanya. Nabiglang napatingin siya sa gumawa nun. Nagulat pa siya nang makita si Andrew sa tabi nya at mahigpit na nakaakbay. Mas nagulat pa siya sa sunod na ginawa nito. "What happened?" agad na bumulong ito sa kanya. Tumayo ata lahat ng balahibo nya sa batok. Sa ginawang iyon ni Andrew ay mas lumakas ang bulung-bulungan. Si Trixie naman ay parang napahumindik na nakatitig lang sa kanila. " What are you doing, Drew?" nakapameywang pang sabi ni Trixie na pinandidilatan pa ito ng mga mata. "Di ba ako dapat magtanong sainyo nyan?" hindi pa rin nito inaalis ang pagkakaakbay sa kanya. " I was just teaching her a lesson, Drew! Ang kapal nya, ha. Sinisira nya pangalan mo. I just want her to know na walang kahihinatnan ang kabaliwan nya sayo. You've read her shitty diary, right? My God!" nanggagalaiting sabi ni Trixie. "All those lies..." napapahumindig pang sabi nito. " Those are not lies." pormal na sabi ni Andrew. Napatingala siya dito at akmang magsasalita nang maramdaman nyang pinisil ni Andrew ang balikat nya na para bang sinasabi nitong hayaan lang ito. " What do you mean by that?" tumaas uli ang kilay ni Trixie. " Lahat ng nakasulat diyan ay totoo. And who gave you the right na basahin ang diary nya? Sinong nagpakalat nito?" matigas na sabi ni Andrew. Hindi makapaniwalang nakatitig lang dito sa Trixie. " I'm not sure if tama bang pagkakaintindi ko, Drew." " Yes. She's my girlfriend, if that's what you want to hear. And to all of you...stop harrassing my girlfriend." may diin ang bawat salita nito habang nilibot ng tingin ang mga estudyanteng naroon. Hinila na siya nito palayo sa mga mapanuring mga mata. Wala sa sariling nagpahila lang din siya dito. Bumaba na sila ng hagdanan nang bigla siyang natauhan. "T-teka. Teka..." sabi nya habang inaalis ang pagkakaakbay nito sa kanya. Binitiwan din naman siya nito at pabuntung-hiningang tumingin lang sa kanya. " Yes?" walang ngiting sabi nto. Napalunok siya. Hindi nya alam kung anong sasabihin. "Ahmmm...A-ano...." alam nyang pulang-pula na ang mukha nya. " Look. I don't wanna judge you. Ayokong isipin ano'ng reason mo ba't mo isinulat iyong mga bagay na iyon but all I know is you need my help and I need yours." parang bang nag o-offer lang ito ng business proposal sa tono ng pananalita nito. Nakatitig lang siya sa mukha nito habang nagsasalita ito. Syet. Ang gwapo talaga nya.... "Hey!" pinitik-pitik pa nito ang kamay sa mukha nya bago siya nahimasmasan. "Y-yah. A-ano nga iyon?" inayos pa nya ang salamin sa mata bago muling tumingin dito. " I said I can help you with your mess, just help me with mine." " Pano'ng tulong ba ang kailangan mo?" todo effort talaga siyang huwag bumigay habang nakatingin dito. "My God, ang ganda ng mga mata nya...." " Mamaya na natin pag-usapan iyan. May pratice pa ako sa basketball. Susunduin kita mamaya after ng class mo. " saka lang nya napansin na naka basketball uniform pala ito. Kinuha nito ang phone nito. " Give me your number." pautos na sabi nito. " Huh?" parang tangang sagot nya. " Your number?" napakunot-noong sabi nito at agad na binigay ang phone nito sa kanya para ma-save nya ang number nya dito. Nanginginig pa ang mga kamay nya habang nilagay number nya. Nakakunot-noo pa rin ito nang kunin ang phone sa kanya. "Ashley, right?" kumpirma nito sa pangalan nya. Tumango lamang siya. " Ok. Wait for my call then. Late na ako sa practice hindi na kita maihahatid sa room mo but susunduin kita mamaya." ang bossy ng boses nito pero parang kilig na kilig pa rin sya. Sinundan nya ito ng tingin nang bumaba na ito nang tuluyan. " See you later." kinidatan pa siya nito nang nasa huling baitang na ito. Nahulog ata ang puso nya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD