Pumasok ang mga ito sa office ni Daryl. Gusto niyang ituon ang isip sa trabaho pero nagsisimula nang manginig ang dalawang kamay nya. Kaya't napahawak na lang siya sa noo habang nakatitig sa monitor ng computer. Hindi maipagkakailang mas lalo itong gumwapo nang mag-mature na ang mukha nito. Wala na iyong boyish look. Panay ang tingin nya sa opisina ni Daryl. Matagal na nag-uusap ang dalawa. Nang maalalang hindi man lang nya nadalhan ng maiinom ang panauhin nito. Hindi na nya hinintay na tawagan siya ni Daryl. Labag man sa loob ay tumayo na siya para asikasuhin ang mga ito dahil trabaho nya iyon. Inayos muna nya ang sarili saka marahang kumatok sa opisina ni Daryl saka binuksan ang pinto. Pumasok lang siya konti sa may pintuan saka tumingin kay Andrew kahit naiilang. " Can I offer you any

