Nagising siya dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa gitna ng mga hita nya. Kumurap-kurap pa siya. Masakit aang buong katawan nya. Nang tuluyan nang maidilat ang mga mata ay nagulat pa siya nang makitang nakasubsob siya sa dibdib ni... Andrew! Habang ito naman ay nakayakap sa kanya. Agad na napatingin siya sa mukha nito. Mahimbing na mahimbing pa rin ang tulog nito. Oh my God! Nangyari ba talaga iyong kagabi? Malamang! Dahil nararamdaman pa nya ang kakaibang kirot sa may ibabang parte ng katawan nya. Tiningnan nya ang ilalim ng kumot. Pareho silang walang damit ni Andrew. Nakadagan ang isang hita nito sa gitna ng mga hita nya. Iyon pala iyong mabigat. Nag-init ang mukha nya nang maalala ang nangyari sa kanila. Dalawang beses nangyari iyon dahil nagising siya ng madaling araw nang m

