Panay ang iyak nya nung mga unang araw mula nang umalis ito. Hindi naman ito pumapalya sa pangako nitong tatawag palagi sa kanya. Nagvivideo call din sila madalas. Gustung-gusto nyang mayakap ito pero hindi nya ipinapakita dito ang kalungkutan nya sa tuwing nagvi-video call sila. Pagkatapos nilang mag-usap ay saka siya iiyak. Nagkukuwento ito lagi ng mga ginagawa nito sa buong araw. Nakapag-enrol na daw ito dun at nagmi-mention din ito ng mga pangalan ng mga kaklase nito. Minsan nga ay ipinapakita pa nito ang mga pictures nito kasama ang mga kaklase. Gusto nyang maging masaya pero parang hungkag ang pakiramdam nya. Siguro ay naninibago lang siya at masasanay din pagdating ng panahon. Gusto rin nyang maging busy na rin para maging abala na din siya at may maikukwento din dito kapag tumata

