Binilisan ko ang paglalakad ko para makalayo na sa restaurant na iyon. Ngunit, hindi ko inaasahan na sinundan pala ako ni Johnny. Natigilan na lang ako nang marahan niyang higitin ang braso ko. Malalim ang titig na ipinupukol niya sa akin. Habang ako naman, sinusubukan kong makawala sa kanyang hawak. "Ba’t mo ako sinundan?" malamig na tanong ko habang patuloy pa rin sa pagpupumiglas. "Gusto kitang kausapin, Angge," bumuntong hininga siya. "Pakinggan mo na man kasi ako." I laughed sarcastically. "Hindi ba magtataka ang fiance mo kung bakit mo ‘ko sinundan?" matapang kong tanong. "At… paano ang anak mo?" Ngayon, mas lalo akong desidido na huwag nang ipaalam sa kanya ang kalagayan ko. Naging madamot siya sa katotohanan sa ‘kin. Kaya… bakit ko siya bibigyan ng karapatan sa batang nasa sina

