Pinahid ko ang luha ko habang papasok ako sa hotel. I don’t understand why I suddenly get emotional. Kanina pa ako iyak ng iyak habang nasa taxi. Maraming tumatakbo sa isip ko simula kaninang umalis ako sa ospital. I wonder what happened after I left. Nasabi na kaya ni Johnny kay Erica at sa Mommy niya ang lahat? Ano kayang naging reaksyon nila? Pagpasok ko sa loob ng elevator, pinagtitinginan ako ng ibang mga nakasakay. Patuloy pa rin kasi ako sa pagpunas sa mga luha kong walang tigil sa pagpatak. Now that Johnny finally faced the consequences of our actions, I must face mine. Kung anoman ang magiging resulta, kailangan kong tanggapin ang lahat. Dumiretso ako sa kwarto ni Carl, kagaya nalang ng palagi kong ginagawa. "Tricia!" he exclaimed when he saw me crying in front of the door. "W

