MEG Malakas ang pintig ng puso na pumasok agad ako sa banyo. Daig ko pa ang tumakbo ng ilang kilometro ng hawakan ko ang tube at buksan ito para makita ang kung tama nga ang hinala ni Gray. "Anong result?" tanong ni Gray. "What are you doing here?" salubong ang kilay na tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay isinara ko naman ang pintuan kanina. Hindi ko rin alam na basta na lang pumasok siya at mukhang hindi na makapag-hintay pa sa resulta ng test na gagawin ko. "Sasamahan kita dito, baka mahilo ka na naman," palusot nito na inirapan ko pero mahina lang itong tumawa sa ginawa ko. "Wala pang resulta, hindi ko pa nagagawa. Paano eh, pumasok ka agad dito. Doon ka nga sa labas," masungit na sagot eh. Kumamot lang ito sa batok at tumayo ng pasandal sa pintuan. Nakakainis talaga ang lalakin

