Chapter 17

1777 Words
Akira's POV. Nagising ako sa tunog ng cellphone kong nagri ring. Kinusot ko muna ang mata ko para makita kung kanino galing ang tawag. Sinagot ko naman iyon. "Good morning princess! Rise and shine! Bawal ma late! See you in school!" sabi nya. Napangiti naman ako, ang sweet nya talaga. Walang pinagbago. "Tsk. Oo na Mr. Cloud Denver Hermosa. Babangon na. See you in school. Thanks for waking me up" sabi ko at in end na ang call. Yup that's Cloud. Buti pa sya hindi nagbago. It's been 2 weeks since nung nag boracay kami pero pakiramdam ko maiiyak pa din ako every time na maalala ko. Nagising ako nung umaga dahil sa sikat ng araw. Hindi ko pa agad dinilat ang mga mata ko dahil I am still recalling kung totoo ba yung mga nangyari kahapon at especially nung gabi. Pag dilat ko ng mata ko. Hinanap ko agad si Thunder. Pero wala sya. Wala na si Thunder pagkagising ko. Pagkalabas ko ng hotel para hanapin sya ay sinalubong ako ng dalawa sa mga tauhan nya at sinabi nitong umuwi na si Thunder at uuwi na din ako. We are supposed to stay there for a week pero hindi ko alam. Inisip ko na lang na may emergency. Pero hindi, dalawang linggo na ang nakalipas. One week na din since mag resume ang klase. Pero hindi pa din ako kinakausap ni Thunder, ramdam na ramdam kong iniiwasan nya ko. Hindi rin sya madalas umuwi sa bahay kung uuwi man sya magkukulong lang sya sa kwarto. I badly wanted to talk to him. Ano bang nangyari? Akala ko kasi okay na kami. Pero mukhang mali na naman ako. Hindi ko maintindihan. Hindi ko sya maintindihan. I sighed. Bago pa ko maiyak ay tumayo na ko para makapag ayos na. Makapasok na nga lang kesa mag emo na naman ako. Mas lalong nadagdagan ang stress ko ng maalala ang nangyari nung isang araw. Na carnap lang naman ang kotse ko, kabang kaba ako nun dahil akala ko magagalit si Thunder pero alam mo ang sinabi nya lang. "Wala akong pakielam Akira, kotse mo yun. Why should I mind your business?" pagkasabi nya nun ay tumalikod na sya at nag lock na ulit ng kwarto. Bukod sa nawala na ang kotse ko, mukhang nawalan din na yata ulit ng pake sakin si Thunder. Nag ko commute na lang muna akong pumasok. Minsan hinahatid or sinusundo ako ni Sanya or Cloud kaya hindi na hassle sa pag travel but minsan lang ako nagpapasundo or hatid dahil nakakahiya din. Isa pa, the more na nagiging close kami ni Cloud baka isipin nya na may pag asa sya sakin. Ayoko naman yun. Ayoko syang masaktan. Pero kapag nag i start na kong umiwas. Mas nalulungkot sya. Maybe if I never met Thunder, maybe nainlove na ko kay Cloud. He is such a great guy. Napaisip ako, if ever pero wag naman sana na mag divorce kami ni Thunder. Maiinlove kaya ako kay Cloud? Matututunan ko din kaya syang mahalin? Kung ganun lang sana kadali yun. Pumara ako ng taxi at sumakay na dun. Pagkababang pagkababa ko ay nakita ko agad si Cloud na, nakasandal sa sasakyan nya. Lumapit ako sa kanya. "Hmm. Pwede naman kasi kitang sunduin bat ba kasi pinipilit mo pang mag commute?" sabi nya sakin. Nginitian ko sya at pinoke ang noo nya. "Baliw ka, akala mo naman pwede lagi. Atsaka kaya ko naman at marami pa naman akong pambayad ng pamasahe. Hayaan mo pag naubusan ako. Tatawagan kita" sabi ko. He chuckled. At ginulo na lang ang buhok ko. "Ang cute mo pala kapag nakapang PE uniform" sabi nya. "Tse! Alam mo bang pinaka hate ko pag PE day. Sabi kasi nila, bago na ang PE instructor namin. Buti naman yun, matanda na kasi yung nakaraan na prof namin dun. Pakiramdam ko makakalas na" sabi ko. Tumawa naman sya. Nasabi ko bang gwapo si Cloud kapag tumatawa? "Silly!" sabi nya. Magkukulitan pa sana kami ng mag bell na. Kaya nag ba bye na kami sa isat isa dahil may klase na din sya. Ako naman, dumiretso na ko sa gym since PE. Pagpasok ko sa gym ay nakita kong nakaupo si Sanya kaya dali dali akong lumapit sa kanya. "Ang aga ngayon ah!" puna ko sa kanya. "Tsk. Syempre magpapa goodshot ako sa bagong PE teacher natin, para sa mga susunod pwede na tayong mag skip ng class nya" sabi ni Sanya. "Dinamay mo pa ko! Ayoko nga, mamaya malaman pa ni Thunder yun, malalagot pa ko" sabi ko. "Wow. As if naman may pake sayo, by the way, bakit di mo pa rin kinukwento yung nangyari sa inyo sa boracay?" sabi nya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko nung maalala ko yung nangyari nung gabing yun. "Hala! Hala! Bakit nagba blush?" sabi ni Sanya kaya hinampas ko sya. "I told you Sans, walang nangyari. Wag ka ngang makulit" sabi ko. "Weh? You're not good at lying Aki, sige na sabihin mo na. Sabihin mo na" pangungulit pa din nya sakin. "Good morning class!" napako naman ang atensyon namin sa babaeng tumayo sa harap namin. Lahat kami ay lumingon sa kanya. Sya ba yung bago naming prof? Wow ang ganda nya grabe. Pakiramdam ko matangkad lang sya sakin ng konti, at ang kinis nya. Mala angel ang mukha. "Ehem-ehem class" sabi ulit nung babae. Lumingon ako sa paligid ko at nakita kong inignore sya ng mga kaklase namin, mukhang kami lang ni Sanya ang umiintindi sa kanya. Ilang beses pa nyang triny kuhanin ang atensyon ng mga lapastangan kong classmate pero wa epek. Kaya tumayo na ko, Sorry if I didn't mention this. Pero president ako ng class at hindi lang ng class kundi ng buong Business Administration Department.  "Hey! All of you listen up!" sigaw ko sa kanila kaya nagtinginan sila sakin. "Good, now sit down all of you, and listen to our instructor, if you don't follow what I am telling you to do. I will send all of you to the detention" sabi ko. Nakita ko namang nagsipagkamot sila ng mga ulo at nagsi upuan na. Hahaha. As the president may kapangyarihan akong maglagay sa detention. Umupo na din ako at tiningnan na yung maganda naming instructor. She smiled on me.  Tingin ko nasa 21-23 yrs old pa lang sya at uulitin ko na ang ganda ganda nya. "Thank you" she mouthed on me. Nag nod lang ako at nag smile. "So class, pleased to meet you all. I will be your new professor in Physical Education. I hope that we all go along well. I am professor Daniella Reyes but you can call me Ma'am Ella? Understood?" sabi nya. "Yes ma'am" sabay sabay naming sabi. Wow ang ganda ng name nya, kung gano sya kaganda ganun din kaganda name nya. 3 hours ang klase namin sa kanya, buong class ay tinuro nya ang all about basketball at pinag try pa kaming mag shoot. Pagkatapos ng PE ay nagdiretso na kami ni Sanya sa shower room para makapaglinis. "Ano ba Akira, lunch break na o' ang tagal mo maligo" sabi ni Sanya habang kumakatok. "Tsk. Ito na nga nagmamadali na nga" sagot ko. "Aish. Pano ba yan nagtext na sakin si Josh. Nasa cafeteria na daw sya. Una na ko. See you na lang sa next class" sabi nya. "Whatever" yun na lang ang sinagot ko at narinig ko na ang yabag nya palabas. Hayys. Pinagpalit ang bestfriend sa boyfriend.  Hahaha. Pasalamat sya hindi pa kami okay ni Thunder kundi isnab din sya sakin hahaha. Joke lang! Pagkatapos ko maligo ay nagpalit na ko ng normal uniform. At lumabas na ng shower room. "Oh My!" sigaw ko ng biglang sumulpot sa harap ko si "Ma'am Ella, ano pong ginagawa nyo dyan. Nagulat ako" sabi ko. Nag smile sya. "Ay sorry! Kanina pa kaso talaga kita inaantay, ang tagal mo pa lang maligo, ikaw pinakahuling lumabas e" sabi nya. "Ay haha. Oo nga po. Pasensya na po pero bakit nyo nga po pala ako hinihintay?" tanong ko. "Yayayain sana kitang mag lunch. Pa thank you na din sa ginawa mo kanina" sabi nito. "Naku ma'am! Okay lang po yun. Duty ko po yun e" sabi ko. "I won't take no for an answer. So tara na, isa pa wala din akong kaibigan o ka close dito sa school. Kaya tara na. What's your name?" "Si ma'am talaga mapagbiro, nakikipag close ka tas di mo pala ako kilala haha, I'm Akira Sapphire Santos. Aki na lang" sabi ko. "Well nice meeting you Akira, but I am hungry now" sabi nya sabay hatak sakin. Hahaha. Parang isip bata din pala itong teacher namin. Pakiramdam ko magkakasundo kami ng husto. Kakatapos lang namin kumain, hindi kami sa cafeteria kumain kundi sa isa sa mga fast food chain dito sa labas. "Grabe ang sarap talaga ng pagkain dito" sabi ni Ma'am Ella, habang kumakain ng sundae. "Oo nga e, thank you nga po pala sa libre ma'am" sabi ko. Kyaaah ang ganda ganda nya na ang bait bait nya pa. "Wala yun, atsaka wag mo na kong i-po at i-ma'am kung tayo lang dalawa. Ella na lang, and Aki, you are not just my student but also my friend" sabi nya. "Ay haha! Sige na nga" sabi ko tas kinain ko yung natitira ko pang french fries. Nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan. Feeling ko close na close na nga kami dahil sa dami naming napag usapan. Tiningnan ko yung relo ko. 20 minutes na lang pala magsisimula na next class ko. Mabuti walking distance lang to. "Okay, before we go. Let me ask you this question" sabi ni Ella sakin kaya nag nod ako. "May boyfriend ka ba?" Napa stop ako sa tanong nya pero maya maya ay umiling ako. "Wala" sagot ko. Well, totoo naman ang sinasabi ko. Wala naman talaga, dahil asawa ang meron ako. "Seriously, sa ganda mong yan! Bulag ba ang mga lalaki sa campus or mataas ang standards mo?" "Hahaha. Ewan" yun na lang ang sinagot ko. Well actually, medyo mataas nga yata ang standards ko at isang Thunder Rein lang ang pumasa. "Ikaw, how about you? May boyfriend ka?" "Yup!" sagot nito. Nakita ko pang nagningning ang mata nya. Buti pa sya. Mukhang masaya ang lovelife nya. "3 years na kami and I am so happy with him. So is he, sobrang caring at sweet nya. At idagdag mo pa na gwapo sya. Pakiramdam ko nga, malapit na mag propose sakin yun. Mahal na mahal kasi ako nun. Tagal din akong niligawan nun nung college kami" sabi nya. "Wow lucky girl, hahaha. O sya, as much as I want to know this guy, e male late na tayo parehas" sabi ko. Totoo naman. Sya magtuturo pa, ako mag aaral hahaha. "Ay oo nga, let's go!" sabi nya. She even held my hand habang naglalakad. Ang swerte nya sa boyfriend nya. Sana ganun din si Thunder sakin. Ugh naalala ko na naman yung masungit na yun. Nawala naman yung lungkot ko dahil nagsu sway sway pa ang magkahawak na kamay namin ni Ella. Para syang bata. It looks like magkakaroon na naman ako ng bestfriend. I am so happy to meet Ella. She's so kind. She's a wonderful person. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD