Chapter 15: Can't Help Falling Inlove With You

2415 Words
Akira's POV. "Aki, I will just answer this call, don't go anywhere and stay here, I'll be back" sabi sakin ni Thunder kaya tumango ako at nginitian lang sya. Himala at nagpapa alam na sakin ngayon! Tumalikod na sya at sinagot ang kanina pang ring ng ring nyang cellphone. Kung sino man ang tumatawag, magpatahimik naman sana sya dahil even in our vacation, umeepal pa din talaga yang trabaho nya. Almost half an hour na kong naghihintay kay Thunder pero hindi pa din sya bumabalik. Don't tell me, nag meeting sya while on the phone? Sa sobrang bored ko ay napagdesisyunan ko ng mag swimming. Langoy lang ako ng langoy pero nagulat ako ng maramdaman kong palakas ng palakas ang alon, hanggang sa hindi ko na kinakaya ang malalakas na hampas ng alon. I was trying to swim back to the shore ng magulat ako ng hampasin ako ng malakas na alon kaya mabilis akong inalon sa shore. "Ouch!" napasigaw ako sa sakit dahil naramdaman at nakita ko ang sugat sa hita ko, tumama ako sa coral reefs na tuyo ng nasa may shore. May mga ilang bakasyonista na din ang lumapit to see me dahil dumudugo na nga ang cut sa legs ko. Alam ko ang OA pero nakakaiyak dahil tumatama yung salt water sa wound ko. "Miss are you okay?" "Do you want us to take you to a clinic?" Ang daming nagbo-volunteer na tulungan ako pero ang nasa isip ko lang ay si Thunder.  Naiiyak na talaga ako dahil nahihiya na din ako. Nasaan na ba sya? Yumuko na lang ako sa tuhod ko dahil sobrang makirot na yung sugat at ayoko sa atensyon ng mga tao dito. Nagulat na lang ako ng biglang may bumuhat sakin kaya napatingin ako sa kanya. "Thunder" sabi ko. Hindi sya nagsalita at mabilis lang ako na inalis sa lugar na iyon. Buhat-buhat nya ko at hindi nilapag kahit papasok na kami sa hotel, lumapit sya sa front desk. "I need a first aid kit, send it to our room" sabi ni Thunder. Nakita ko naman yung sunud-sunod na pagtango nung staff. Pagkapasok namin ni Thunder sa kwarto ay nilapag nya ko ng dahan-dahan sa kama. Nakita kong ring ng ring ang cellphone nya at nag a-appear ang pangalan ng secretary nya doon. He must've been really busy. Dahil ayaw tumigil kakaring nun ay kinuha ni Thunder yun at sinagot. "Seinna for pete's sake, please stop calling me right now! I already said I'm on a vacation, so tell all of them to wait or get lost!" sigaw ni Thunder bago hinagis yung cellphone sa kama. Biglang tumunog yung doorbell ng unit na to kaya dali dali nya iyong pinuntahan at pagkabalik nya ay may bitbit na syang box, marahil ito yung hiningi nyang first aid kit. Lumapit sya at umupo sa kama at hinarap nya ang binti ko at nagsimula ng gamutin iyon. Napapa aray ako dahil mahapdi talaga  pero sinasamaan nya ko ng tingin. "Is it hard to follow my instruction?" tanong sakin ni Thunder sakin habang patuloy na ginagamot ang sugat ko. "Sorry na" yun lang ang nasabi ko dahil baka kainin nya ko ng buo. "Sorry? Puro na lang ba sorry? Alam mo bang sobrang nag alala ako nung di kita makita sa pinag iwanan ko sayo, only to find you like this" I am looking intently on him. Pokus na pokus sya sa paglilinis ng sugat ko kaya naman nagkakaroon ako ng chance na mas matitigan sya. Gwapo talaga ang asawa ko, kahit saan atang anggulo ko tingnan ay perpekto pero bumilis ang puso ko ng ma realize ko ang huling sinabi nya. Nag alala sya sakin? Ang isang Thunder Rein Montenegro ay nagsisimula ng mag alala para sakin? At trumiple ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang mata namin. "Why aren't you answering?" tanong nya sakin. "Ang gwapo mo" Wait?! What?! Nasabi ko ba talaga yun?Gusto kong tapikin ang ulo ko dahil na blurt out ko ang iniisip ko dahil nataranta ako. Nakakahiya! Nakakahiya! Itinatakwil ko na ang sarili ko! Pakiramdam ko ay nag akyatan lahat ng dugo sa mukha ko pero mukhang hindi lang ata ako ang naapektuhan dahil nakita ko ang pamumula ng tenga nya pero malakas syang tumikhim. "Stop being silly Akira" sabi nya sakin pagkatapos nyang mag iwas ng tingin. Nakita ko namang nilalagyan nya na ng band-aid ang sugat ko. "Ang galing! Pano mo natutuhan yan?" tanong ko sa kanya. Iniiba ko ang usapan dahil nakakahiya talaga ako! "I guess simple placing of bandaid sa wound ay hindi naman kailangan ng medicine course, right?" sabi nya tapos nag small smille sya sakin. Sobrang tipid naman nitong lalaking to na kahit sa pagngiti pinagdadamutan ako. "Can you walk?" tanong nya sakin. Tumango ako at dahan dahang tumayo. Makirot sa una pero kaya ko naman maglakad sadyang grinab ko lang ata ang opportunity na buhatin ako ng love of my life ko. Ang landi mo Akira! Bawasan mo yan sizz! Pinagalitan ko ang sarili ko. I smiled ng mapansing naka-alalay pala sakin si Thunder. I never knew that I will this side of him. Pakiramdam ko mas lalo lang akong naiinlove sa kanya. Since injured ako ay hindi na ko pinayagan pang mag swimming ni Thunder sa halip nag stroll na lang kami sa isla at alam nyo ang nakakatuwa? Habang naglilibot libot kami ay magka holding hands kaming dalawa. Asawang-asawa lang ang dating ko! Hindi kaya mahal na din ako ni Thunder? Baka naman nahihiya lang syang mag confess? Napangiti ako sa isiping yun, sana nga. Lord, isang Thunder Montenegro lang po. Tumingin ako sa salamin, nag ayos talaga ako ngayon dahil magdi-dinner kami ni Thunder ngayong gabi! Naka beige na may lining na black na fitted dress ako ngayon. Sa sobrang saya at excitement ko ngayong araw ay hindi ko na masyadong inalintana yung injury ko. Sumilip ako sa relo ko at nakita kong oras na para bumaba dahil baka pag natagalan ako ay ma ruined pa ang masayang gabi namin. Mamaya magyaya pa iyong umuwi! Iba pa man din ang mood swings nung lalaking yun. Yung restaurant na kakainan namin is nasa may tapat lang ng dagat at ang mga tables at chair ay naka set up sa buhanginan. Open area sya kumbaga. Nung makababa ako ay nag diretso ako sa restaurant at lumapit ako sa receptionist. "How may I help you ma'am?" magalang na tanong nito sakin. "I'm Mrs. Akira Montenegro, I have a reservation under my husband's name, Thunder Montenegro" sagot ko dito. Ngumiti sya ng malapad. I think nasa early twenties pa lang sya. "Kayo pala ang asawa ni sir, pinagtitinginan po kasi sya ng mga babae dito kanina akala siguro ay single, gwapo naman po kasi talaga ang asawa nyo ma'am but seeing you, ang ganda ganda nyo po! Bagay kayo ni sir" sabi nya. "Maliit na bagay" sabi ko. "Just kidding" natawa sya pero mas natuwa naman ako sa sinabi nya. "This way po ma'am" sabi nya sakin kaya sinundan ko sya. Nakita ko si Thunder na nakaupo na sa mesa sa di kalayuan at mas napansin ko yung tingin sa kanya ng mga babae dito. Tsk! Yung iba may kasama pang boyfriend o asawa pero kung makatingin sa asawa ko akala mo sya ang menu dito. "Grabe ang gwapo nung nasa kabilang table" "Oo nga sis, pero bakit mag isa lang sya?" "Ewan ko nga, gusto nyo lapitan ko? Teka magpakilala ako?" "Ang daya girl dapat ako din!" Napa roll eyes ako sa apat na babaeng magkakasamang kumakain na nadaanan ko. Ang babata pa pero ang haharot na! I looked at my wedding ring, suot ko naman talaga ito madalas, kung hindi sa daliri ay kinu kwintas ko, I value this so much. Nakita kong tumingin sakin si Thunder. Tiningnan nya ko ng mataman atsaka binigyan ako ng ngiti. I smiled back. Gusto kong magtititili, nginitian ako ng isang Thunder? What is happening to the world? I swear hindi ko sya ginayuma guys, maganda lang talaga ako. Tumayo sya nung makalapit ako at pinaghila pa ko ng upuan. Grabe? Ano bang meron sa araw na to at pakiramdam ko ang ganda-ganda ko lalo dahil sa pagiging sweet sakin ni Thunder. "Sino yan?" "Ay may date pala" "Girlfriend ata" "Asawa yata girl, naka wedding ring sila parehas" "Sayang naman! Akala ko pa naman single sya. So gwapo pa naman!" Awtomatikong napatingin ako sa kamay ni Thunder at natuwa akong makita na suot nga nya ang wedding ring namin. "Buti suot mo?" puna ko sa singsing nya. "Why? Bawal ba?" tanong nya. Ngumiti na lang ako at umiling, ano ba singsing lang, kilig na kilig na ko? Habang kumakain kami ay nagkwentuhan lang kami ni Thunder ng tungkol sa bagay bagay na hindi naman talaga namin napapag-usapan before. Feeling ko mas nakikilala ko pa sya at nagiging close kami. Napatingin ako sa mga taong sumasayaw sa beach. Nasa gitna nila ang isang bonfire. Couple dancing in the night.  Napangiti ako dahil madaming sumasayaw na magkapares. Laking gulat ko ng makita kong nakatayo si Thunder sa harap ko at nakalahad na ang palad nya. Magha hyperventilate ako, wait lang guys! "May I dance you Mrs. Montenegro?" sabi nya sakin. Forget about hyperventilating, I am gonna die tonight. "Of course, Mr. Montenegro" sabi ko sabay bigay sa kanya ng kamay ko. Tumayo na kami at naglakad sa dance floor. Malamig ang paligid pero na-o-over power yun ng kilig ko. We started slow dancing at gustong gusto ko ang tugtog. Wise men say Only fools rush in But I can't help falling in love with you Shall I stay? Would it be a sin If I can't help falling in love with you? Like a river flows Surely to the sea Darling, so it goes Some things are meant to be Take my hand, Take my whole life, too For I can't help falling in love with you Ewan ko parang sinasabi ng kanta yung nararamdaman ko para kay Thunder. Grabeeeeee, ano ba? Kukunin na ba ako ni Lord, bakit parang umaayon sakin ang tadhana? "Thunder?" tawag ko sa kanya. Yung pagsasayaw naming dalawa parang nakayakap na kami sa isa't-isa. Nakasandal ako sa chest nya at hindi ko ma explain kung gano ka komportable yung nasa bisig nya ko. I feel so safe and secured. "Hmm?" yun lang ang sagot nya kaya tiningala ko sya. Mas matangkad kasi sya sakin kaya nung pagkatingala ko ay nagtama ang paningin namin. "Why are you doing all of this?" tanong ko sa kanya dahil nakakapanibago kasi, kakaiba talaga sya simula ng umalis kami sa Manila. Sobrang sweet at caring nya, malayong-malayo sa normal na ugali nya. Isipin mo, first date pala namin ito dahik halos ngayon nya lang kasi ako niyayang mag dinner at candlelight dinner pa talaga. "Kailangan ba talaga may rason?" sagot nya ng hindi pa din nagbi break ang tingin namin sa isa't-isa. "Whatever your reason is, I want you to know that I am so happy na ganito ka, you don't know how much you make me happy" sabi ko at ngumiti sa kanya. "I'm glad that you're happy" sabi nya at binigyan ako ng ngiti. Pakiramdam ko tuloy kami na lang ang tao dito. "I love you so much Thunder" sabi ko sa kanya. I looked at him intently so does he. I am waiting for his respond. And he He He didn't answer me. Instead He closed the gap between our lips and kissed me. Halos panglambutan ako ng tuhod dahil sa pagdampi ng labi nya pero mabuti na lang at hawak nya ko. Unang pagkakataon ito! Our first kiss dahil kahit nung kasal namin ay hindi naman nya ko hinalikan sa labi. Parang ilang boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko habang hinahalikan nya ko. Nang maghiwalay ang labi namin ay sinuksok ko ang mukha ko sa dibdib nya. Naramdaman ko namang ang bilis ng t***k nya. He chuckled dahil alam nya siguro na nahihiya ako. Nakakahiya kaya! Malamang madaming tao ang nakakita sa kiss namin.. Pero we kissed. Like a river flows Surely to the sea Darling, so it goes Some things are meant to be Take my hand, Take my whole life, too For I can't help falling in love with you For I can't help falling in love with you Nakaupo kami ngayon sa seashore at nasa tapat ng bonfire. Will you believe na naka akbay sakin si Thunder ngayon? Tila ayoko ng matapos ang gabing to dahil baka bukas hindi na ganito. Natatakot ako na bukas iba na naman sya. "Thunder" tawag ko sa kanya. He looked at me. "Yes what is it Mrs. Montenegro?" sabi nya. Para namang may naghahabulang daga sa loob dibdib ko dahil lang sa pagtawag nya sakin. "Geez, wag ka ngang ganyan baka masanay ako, baka yan na gamitin kong apelyido sa school" sabi ko sa kanya sabay tawa. "Do you wanna use it?" tanong nya and then he chuckled ang gwapo-gwapo pala talaga ni Thunder lalo na kapag tumatawa. Nagiging 200% ang kagwapuhan nya. I pouted. Bwisit kasi yung mga babae at bakla sa school. Nakakatakot sila, baka mamaya sugurin ako ng fans nya if all of a sudden ay magpalit ako ng apelyido. "Don't pout" sabi nya. "Why?" sabi ko. "Cause you look cute and I would like to kiss you if you will do that again" Napangiti ako sa sinabi nya. Ano ka ba? Mahal na ba talaga ako ng isang to? "Really?" I pouted. At nagulat ako ng halikan nya ulit ako. He kissed me. Hindi nga sya nagsisinungaling. Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo ko sa mukha. Kaya tumingala ako sa langit. "Thunder, do you know that I consider you just like that?" sabi ko sabay turo sa may pinaka makinang na bituin. "Why?" "Well, you know how busy my parents are kahit nung bata pa ko at dahil doon pakiramdam ko ang lungkot-lungkot ng mundo but not until you moved in with your mom and dad as our neighbor" Naging kapitbahay ko sila nung bata pa lang ako but unfortunately, namatay ang parents ni Thunder when he was just 17 or 18. They died from a car accident pero from that moment sya na ang namahala sa negosyo ng pamilya nya at a very young age. Nagkaproblema noon kasi nag pull out ang iba nilang investor dahil nga namatay ang parents nya at doon na pumasok ang parents ko. He needed their help para sa negosyo at ang naging kapalit nun is papakasalan ako. "I was very lonely, I felt like my world is full of darkness but just like that star, you shone just to give me light. Kahit pa napakasungit mo lagi at lagi mo kong pinagtutulakan. You were always there beside me, kahit hindi mo sabihin alam kong pinoprotektahan mo ko kahit iritang-irita ka na sakin" I smiled on him. Nakita kong nakatingin sya doon sa star na tinuro ko. "You are my star" "Mon soleil" Hindi ko masyadong narinig ang sinabi nya. "Huh? What's that?" He just smiled at me. "Thunder" tawag ko ulit sa kanya kaya tumingin na sya sakin. Kinakabahan man ay I grabbed that opportunity. I kissed him. Mukhang nagulat sya kaya tumigil ako. "I'm sorry, I just love you so much Thunder" sabi ko. "I know" yun lang ang sinabi nya at nagulat ako ng halikan nya ko. Sobrang marahan lang yun. I responded hanggang sa lumalim  ang paghalik nya sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD