Akira's POV. "Good morning Ma'am" pagbati sakin ni Gina pagpasok ko. Tinanguan ko lang sya dahil wala talaga ako sa mood ngayon for the past 3 days ay ganito lang ako. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng mahuli ko si Cloud yet I am still affected. Minahal ko na din sya sa 5 taon naming magkasama and yet he chose to cheat on me. What a fool I am. Hindi ako nagagambala ni Cloud o ni Thunder dahil pinapaharang ko agad sila kay Gina. Ayokong makita o makasama ang isa sa kanila. They remind me of each other. Bagay silang magkapatid. Sa condo naman ay pumupunta si Cloud. Hindi ko naman sya pwedeng pagbawalan dahil magtataka si Celestine. So ang ginagawa ko, nag i stay lang ako sa opisina hanggang sa umalis na sya at dun lang ako uuwi. Papasok na sana ako ng opisina ko ng "Ma'am sandal

