Akira's POV.
"Grabe napakadami kong nireview kagabi, halos hindi na nga ako nakatulog" sabi ni Sanya na hanggang ngayon ay nagbabasa pa din ng libro. Nagka cramming sya ngayon.
Midterm examination namin ngayon kaya halos lahat ng estudyante dito puspusan ang pag aaral at pagrereview.
Maraming student ang nagkalat. Trying to catch up sa iba't ibang deadlines.
Students palang kami pero grabe na ang pressure.
I looked at the three of them na sobrang busy, nakita kong may tinatapos na computations and reports si Cloud, si Josh naman ay may tinatapos na sketch dahil engineering sya, while si Sanya ay busy sa mga ilang tasks na binigay ng profs namin.
Nandito kami sa cafeteria ngayon, at every now and then ay may bumabati kay Josh at Cloud, parehas kasi silang varsity player at kada may babati kay Josh, natatawa ako sa mukha ni Sanya, mukhang makakapatay na.
"Bakit di ka nagre review Aki?" tanong sakin ni Cloud. Nasa akin na pala ang atensyon nya. "Masama ba ang pakiramdam mo?" worried all over his face.
Ngumiti ako at umiling sa kanya.
"Hindi no, okay lang ako. Wala lang ako sa mood mag review kaya kumakain na lang ako. Mahirap kasing pilitin ang utak ko mag-aral" sabi ko sabay taas ng kinakain kong lasagna.
"Pa-humble palibhasa matalino, running for latin honors ng Business Administration kaya pa chill chill na lang" nang aasar na sabi ni Josh.
"Baliw ka, tigilan mo nga ako at mag review na kayo, tapusin nyo na yan dahil malapit na mag start ang class at exams"
"Hoy Aki, siguraduhin mo lang na nakapag review ka dahil sabi nila mahirap daw magpa exam yung asawa mong kamag anak ni Hitler" sabi ni Sanya
"Bunganga mo naman, baka may makarinig na iba sayo" saway ko dito.
Alam na din ni Josh na asawa ko si Thunder, isang buwan na din halos ng mag confess sakin si Cloud. I looked at Cloud. Nakita kong sumeryoso ang mukha nya. Mukhang hanggang ngayon hindi nya pa din tanggap at katotohanang iyon. Nakakalungkot lang kasi kahit hindi nya sabihin, alam kong nasasaktan ko sya.
Cloud then looked at me, nahalata nya sigurong nakatingin ako sa kanya. He smiled at me, napangiti din tuloy ako ng di oras. Ang lakas kasi makagaan ng loob ng ngiti ni Cloud.
Sa totoo lang, hindi talaga ako nag review, sa unang pagkakataon ay tamad na tamad na kong mag aral, Dean Lister ako kaya naman talagang pinagbubuti ko ang pag aaral ko pero ngayon, I am lost, parang gusto ko na lang bumagsak at mag drop.
Pwede ko namang hindi pasukan pero magagalit sakin si Sanya.
Biglang pumasok sa isip ko si Thunder dahil alam kong prof ko sya sa Philosophy.
Pa worst ng pa worst ang relasyon namin ni Thunder, tuwing magkikita kami ay lagi na lang kaming nagtatalo. Hindi talaga kami magkasundo at isa pa, laging ang sasakit ng mga binibitawan nyang salita kaya pakiramdam ko malapit na kong bumigay. Halos walang gabi na hindi ko sya iniiyakan.
Hindi ko alam. Gusto ko ng sumuko. Ang toxic na masyado.
Ano ba kasing mali sa ginawa ko? Mali bang mahalin ko sya at ipakita yun sa kanya?
Ayaw man ng puso ko ay unti-unti ko na sigurong dapat tanggapin na talagang sa hiwalayan din ang bagsak namin.
At ito na nga ang pagbagsak ko ang nakikita kong step 1, nagbabalak ako na if bumagsak ako, magdadahilan na lang ako sa parents ko na ire-retake ko na lang yung course ko sa ibang university.
Gustong gusto kong iwasan si Thunder, ayaw ko muna syang makita hanggat maaari dahil sa tuwing makikita ko sya, nagsisimula na naman akong maging emosyonal at tanga.
Nag bell na kaya napagpasyahan na naming pumasok sa kanya-kang klase.
Exam-exam-exam
Puro ganyan, nakakapagtaka na hindi pa din ako bumabagsak sa mga test kahit pa hindi ako nag review.
Pagkatapos kasi mag exam, chini checkan agad yung papel.
Sumasagot na lang ako base sa mga naalala kong diniscuss.
Nag bell na at hudyat na Philosophy class na with my great husband. Halos ayokong dumating ang oras na ito.
Pumasok na sya sa classroom. As usual we greeted him but he just gave as a nod. Inayos ang sitting arrangement at thank God nasa tabi ako ng bintana.
"Okay class, no erasures, no cheating, no whispering, no talking, mind your own paper, if you have any question, ask me. If you fail this examination, you might fail my subject" anunsyo ni Thunder.
Nakasalamin sya ngayon na nakadagdag sa ma awtoridad na itsura nya. Nakita ko namang kinikilig ang mga mean girls sa tabi, malamang ay gwapong gwapo na naman sila kay Thunder.
"Yes prof!" sabay sabay na sabi ng mga classmates ko.
"Good" sagot ni Thunder, mabilis syang tumingin sya sakin pero nag iwas na ko ng tingin.
Ayoko nga syang tingnan! Alam nyo bang masyadong pa fall ang mga mata ni kulog? Ang lakas makapogi ng tantalizing eyes nya kaya wag na lang dahil baka mauto ako.
I looked at the test paper.
Nakikinig naman ako ng maayos sa kanya at paniguradong kayang-kaya kong sagutan ito, pero sa totoo lang kung average student ka lang, mahihirapan ka talaga dito, tiningnan ko ang mga classmates ko, nakita kong panay ang pagkamot nila ng mga ulo nila.
Pasimple kong pinasak sa tenga ko ang isang earphone. Nakinig na lang ako ng tugtog ng paramore.
Sinulat ko ang pangalan ko doon sa test paper.
Akira Sapphire Santos
Kailan ko kaya maiduduktong ang Montenegro sa pangalan ko? Parang napaka imposible naman ng gusto ko.
Maya maya pa ay kinolekta nya na ang mga papel at nagsimula na kaming mag check.
"Okay who got 75-100 score?" tanong ni Thunder, na nakatayo na sa harapan ngayon. Halos kalahati ng mga classmate ko ang tumayo para magpasa.
Inisa isa nyang sabihin ang mga pangalan nung nakakuha ng score na 75-100. Nakakuha si Sanya ng 85. Ang laki ng ngiti ng gaga, palibhasa ay nakapasa sya sa kinatatakutan nyang subject. Good for her.
Nakita ko namang nangungunot ang noo ni Thunder, marahil ay dahil sa hindi pa nababanggit ang pangalan ko. Nasanay siguro syang outstanding ako sa class nya.
"50-74?" tanong nya ulit at may nagbigayan ulit. The same thing happened, once the paper is submitted to him, he will read the name and the score.
"25-49"
"0-24?" tumayo yung isang classmate ko, I am pretty sure it is my paper dahil ako na lang ang hindi natatawag.
"Santos-5" sabi ni Thunder.
Everyone in that room was shocked na para bang nakagawa ako ng malaking krimen.
Duh score lang yan guys!
"OMG! Lowest si Akira?" sabi ni Gail in a pabulong way pero rinig na rinig ko sila.
"Buti nga sa kanya, akala ko pa naman matalino, bobo pala" Venus.
"Too bad, running for c*m laude tas ganyan score?" Athena.
Nakarinig pa ko ng ilan pang harsh comment at yung iba nagtataka why I failed that freaking examination.
Isaksak nyo sa baga nyo yung latin honors.
I looked at Sanya, I can see how worried she is for me but I just smiled at her to show that I'm okay.
Okay lang naman talaga ako, sinadya kong i fail ang exam. Yung first 5 questions lang ang sinagutan ko the rest ipinagsa walang bahala ko na lang at hindi sinagutan.1
I took a glimpse at Thunder and he was looking intently to me. I can't read his facial expression, lagi naman. Nung nag bell, mabilis akong tumayo at kinuha ang gamit ko. Philosophy ang last subject namin kaya uwian na. Narinig kong tinatawag ako ni Sanya pero in-ignore ko na lang sya.
I wanted to be alone.
Gustong gusto ko ng umuwi, gusto ko na lang magkulong sa kwarto ko at magpahinga. Pakiramdam ko malapit na kong sumabog. Lahat ng emosyon na hino hold-back ko.
Pagkasakay ko sa kotse ko, nakita kong tumatawag si Sanya but I declined it, I just texted her that I'm fine and I just wanna go home. Alam ko namang maiintindihan nya ko.
Within an hour ay nakauwi na ko pero maa nagulat ako ng pagka park ko ay sumunod na pumasok ang kotse ni Thunder.
Anong ginagawa ng demonyo dito?
Nagmamadali akong pumasok sa bahay at paakyat na sana ako ng hatakin ako ni Thunder sa braso.
Pumiglas ako at humarap sa kanya at sinalubong ang galit nyang tingin.
"Ano bang problema mo? Pwede ba pagod ako Thunder, wag ngayon next time ka na sumabay" tatalikod na sana ako kaso hinarap nya ulit ako sa kanya.
"Why did you f*****g fail my examination?" nakita ko ang inis sa mata nya.
Bwisit na bwisit sya dahil lang binagsak ko iyon?
"What's wrong with that? First time ba na may bumagsak na estudyante sa exam mo? Masama bang bumagsak? Sa hindi ko alam ang sagot eh"
"Stop lying Akira, I know you! Sinadya mong ibagsak yun, you left the rest of the question unanswered, so why? You must have a good reason"
"Kailangan may reason talaga? Hindi ba pwedeng bumagsak lang kasi mahirap exam mo? Stop pretending that you know me, cause you never had time to do that! So please just let me take a rest"
"Wag mo kong tatalikuran kapag kinakausap kita! I'm asking you, so answer me!" sigaw nya sakin.
Napakalakas na ng boses naming dalawna even Yaya Minda has no guts to stop us kaya nagtungo na lamang ito sa kusina at hindi kami pinansin.
Sanay na siguro sya araw-araw naming pag-aaway.
"You want an answer? Fine! Ibagsak mo na ko sa subject mo, or if ayaw mo magda drop out na lang ako. Lahat gagawin ko, mawala lang ako sa klase mo"
"What? Why?" nakita ko ang confusion sa mata nya.
I am confused also on why I am acting like this.
"I will just transfer to another university, ayoko ng makita ka pa. Madalas na nga tayong magtalo sa bahay, hanggang eskwelahan pa naman ba? Tama na Thunder! Ayoko na nakakapagod na ding magpakatanga sayo kaya just fail me or I'll drop your damn subject"
"No! You can't and I won't! Tandaan mo Akira, hanggang asawa kita, hanggang nasa apelyido kita, wala kang karapatan na gumawa ng desisyon mag isa. You are my wife, and you are damn mine so don't go around doing the things you want, without my consent!"
Napagitla ako sa sinabi nya, nakikita kong galit na galit sya pero maski ako ay ganoon na din. Wala akong panahon matakot or alalahanin ang nararamdaman nya.
"WOW!" I said that with full of sarcasm. "Asawa mo pala ako? Pag aari mo pala ako ano? So ganun, pag ako ikaw ang masusunod pero pagdating sayo bawal kitang pakielaman. Anong klaseng pagsasama ba to Thunder?!"
"You initiate this freakin marriage, I didn't! This is the consequences of your action!"
"What consequences? consequence for loving you? Consequence for wanting to be with you for the rest of my life? Ganun ba talaga kasamang mahalin ka? Ganito ba ang hirap para lang maging asawa ng isang Thunder Montenegro?!" hindi ko napigilan at may naglandas ng luha sa mga pisngi ko.
Nakatulala lang si Thunder sakin, he's too shock. Ito ang ayoko kaya iniiwasan ko sya. Ayokong sumabog at magiging bobo na naman kinakabukasan.
"Pagod na pagod na ko Thunder" I said while trying to wipe my tears. "Konting konti na lang malapit na kong sumuko, diba yun naman ang gusto mo?"
"Akira-
"Tao din ako Thunder, at may limitasyon ako sa pagtitiis" I bit my lip thinking it will help me calm down. "And to be honest, malapit na malapit na yun" pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko sya at dali-daling umakyat na sa kwarto ko.
Sumandal ako sa pinto dahil pakiramdam ko tutumba ako.
Hindi ko alam na hahantong pala ako sa puntong gusto ko ng sumuko pero lintek na pusong ito, nakita ko lang na nag soft ang emotion ni Thunder nung umiiyak ako, nag assume na naman. Pakiramdam ko na naman nya may pag asa pa, na baka he truly cares for me pero gaya ng iniisip ko na he is just afraid too.
May pag asa pa kayang maayos ang pagiging mag asawa namin ni Thunder bago pa ko tuluyang sumuko?
Mamahalin din kaya ako ng asawa ko?