Akira's POV.
Weekend ngayon, meaning walang pasok. It's already 10 in the morning at ito ako, nakatunganga sa kisame ko. Halata naman sigurong hindi pa ko bumabangon.
Pinaka ayaw ko na atang araw ang saturday and sunday, dahil buryong na buryong ako sa bahay. Pakiramdam ko pumapatay ako ng oras for nonsense reason.
I sighed. If only my marriage worked the way I dreamt in to be, maybe my weekends wouldn't be this lonely. Maybe Thunder and I are cuddling or watching a movie together or talking about the things that we want to do or talk about the future.
I smile of that thought, grabe naman ang imahinasyon ko.
Hindi nga pala ako mahal ng asawa ko, ilang beses nya na bang ipina mukha sakin yun. Hindi ko na yata mabilang.
Kasi kung mahal nya ko, dapat sakin sya umuuwi gabi-gabi pero katulad nga ng sabi ko hindi. Hindi ako mahal ni Thunder kaya madalas syang wala katulad ngayon.
Naputol ang pagmu-muni-muni ko ng mag ring ang cellphone ko na nasa side table ng kama ko. Dinampot ko yun at nakita ko na sa caller ID na si Cloud ang tumatawag.
Close na kami ni Cloud dahil super napaka komportableng kasama nya. Napaka bait at gentleman kaya hindi na nakakapagtakang madaming babae ang nagkakagusto sa kanya. Opposite na opposite sila ni Thunder ng ugali dahil kung anong sinungit ni kulog, syang naging pagka friendly ni Cloud.
I answered his call.
"Yes cloud? Napatawag ka?"
Hi Aki! Ano e- Uhm yayayain sana kitang lumabas ngayon?
"Labas? Tayo lang dalawa?"
Ayoko naman mag assume na nagyayaya sya ng date diba? Pero iniiwasan ko lang kasi dahil alam ko sa sarili kong may asawa na kong tao.
Ha? Hindi, kasama sila Josh at Sanya. Sine sana tayo nood tayo ng Wonder Woman.
Nakahinga ako ng maluwag ng malaman kong kasama naman pala si Sanya at the same time pumalakpak ang tenga ko ng malamang Wonder Woman pala ang papanoorin namin, grabe badly wanted kong panoorin yun. Pakiramdam ko kasi ang galing galing ni Gal Gadot sa pag ganap sa role na iyon.
"Okay sige-sige mag aayos na ko, Sira auto ko kaya sunduin nyo na lang ako sa kanto ng village namin, alam na ni Sanya yun. See you, Bye!"
Pagkasabi ko nun ay dali dali akong nag hang-up para makapag ayos na dahil nagtext silang nearby lang naman daw sila. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila.
Buti na lang talaga niyaya nila akong lumabas or else baka mabaliw na ko dito sa bahay.
Paspasan kong ginawa ang mga seremonyas ko kaya within an hour ay palabas na ko ng bahay. Magpapa-alam sana ako kay Yaya Minda pero mukhang wala sya baka namalengke or nag grocery.
Ilang minuto lang din ay nakarating na ko sa gate ng village namin lulan ng tricycle nakita kong nakaparada doon ang kotse ni Cloud.
Yung SUV ang gamit nya ngayon at hindi iyong ferrarri nya pero nonetheless di nababawasan ang gwapo nung nagmamaneho.
Bumaba ako ng tricycle at nagbayad.
Palapit pa lang ako ng bumaba si Cloud para pagbuksan ako ng pinto pasakay sa passenger seat.
"Thank you" I told him. Nginitian nya lamang ako.
Cloud is a true gentleman.
Umikot sya pasakay ulit dahil sya ang nagmamaneho natural kotse nya ito.
"So buti naman naisipan nyo kong isama sa gala nyo, akala ko buong weekends kayong maglalampungan" asar ko kay Sanya at Josh na nakaupo sa backseat.
"Tse, manahimik ka na lang Aki! pasalamat ka niligtas kita sa preso mong tahanan, I know how boring it is there kaya" maarteng sagot ni Sanya.
"If you want Aki, we can visit you in your house tas doon na lang tayong mag bonding. Netflix?" suggestion ni Cloud.
Mabilis pa sa alas kuwatro ang pag iling namin ni Sanya.
"Ha? Naku! Wag na!" sagot ko.
"Tama, tama! Sobrang strict kasi ng dad nyang si Akira, alam mo na baka kainin tayo ng buhay" dagdag ni Sanya, na alam ko naman na ang pino point na strict ay si Thunder at hindi si Dad, like hello ang bait kaya ng Daddy ko sa mga kaibigan ko.
"Oh ganun ba? Sayang naman! May aakyat sana ng ligaw sayo sa bahay nyo" nagulat ako sa sinabi ni Josh kaya nilingon ko sya.
"What do you mean?" nakataas ang kilay kong tanong.
Tumawa ito.
"Wala, hindi ka naman mabiro Aki!" tumatawang sabi ni Josh.
"It looks like strict nga ang dad mo. Mukhang takot na takot ka na even suitors are not allowed" tumingin naman ako kay Cloud.
Hindi talaga pwede ang ligaw dahil baka ihagis ako ni Thunder sa balcony.
"Oo grabe nakakatakot kasi talaga yung si Dad" tumatango-tango ko pang dagdag. "By the way change topic, bakit ka nga pala nasabit ka rin ng dalawang to Cloud?"
"Inlove kasi yang si loverboy kaya ayun gustong gumagala gala para makita ang the one nya" sabat ni Josh. Nakita ko namang sinamaan sya ng tingin ni Cloud sa salamin.
"OMG! Is it true inlove ka? Kanino? Huy bestfriends mo na kami kaya dapat ipakilala mo yang lucky girl na yan! Ako na ang magsasabi ang swerte nya dahil inlove sa kanya ang isang Cloud Hermosa! I am so happy for you" sabi ko habang tinatapik tapik pa sa balikat si Cloud.
Cloud's POV.
"Inlove kasi yang si loverboy kaya ayun gustong gumagala gala para makita ang the one nya" muntik ko ng maapakan ang preno dahil sinabi ng walang hiyang si Josh.
Ilalaglag nya ba talaga ako kay Akira, kanina pa kasi sya!
Sinamaan ko sya ng tingin dahil nakatingin din sya salamin na parang hinihintay ang reaksyon ko.
"OMG! Is it true inlove ka? Kanino? Huy bestfriends mo na kami kaya dapat ipakilala mo yang lucky girl na yan! Ako na ang magsasabi ang swerte nya dahil inlove sa kanya ang isang Cloud Hermosa! I am so happy for you"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot sa sinabi ni Akira.
Dapat ko bang ikatuwa na hindi nya nahalata na sya ang gusto ko?
Or
Dapat ko bang ikalungkot na wala man lang syang nararamdaman na selos o lungkot ng malaman nyang iba ang gusto ko?
I looked at her, she's smiling so brightly kaya mabilis napukaw ang lungkot na nararamdaman ko. Sobrang positive nya, just by looking at her, I know kapag nagmahal sya, she will be all out.
She really completes me and I will do anything for her to be my girl.
Akira's POV.
Since 1pm pa lang naman ng makarating kami sa Mall of Asia, napagdesisyunan namin na mag star city na muna dahil malapit lang iyon.
Halos lahat ata ng rides ay nasakyan na namin ng paulit-ulit. Napili naming manood ng Wonder Woman na last show na dahil 9:30pm na din naman kami nakabalik sa mall.
Kumain na muna kami sa isa sa mga fastfood restaurant dito bago tumuloy sa sinehan.
"Hi ma'am and sir ano pong order? May couple popcorn po kami para sa inyong mga mag-couple" sabi samin nung cashier.
"Ha? Hindi kami couple" agad kong sabi at awkward na tumawa. Ano ba naman tong kaherang to kung anu-ano ang iniisip? Bumaling ako kay Cloud na halata ang awkwardness sa mukha.
"Ay ganun po ba sayang naman po dahil bagay pa naman kayo ni sir" dagdag pa nito sabay ngiti kay Cloud.
"Narinig nyo yun? Bagay pala kayo" pang aasar ni Josh samin. Pinanliitan ko naman sya ng mata pati na din si Sanya signalling her to stop her boyfriend from saying nonsense things.
Nilingon ko naman si Cloud kita kong namumula sya marahil ay sobrang nahihiya na.
"Ano ka ba naman babe! Stop teasing Akira and Cloud. Alam mo namang may ibang babaeng gusto si Cloud diba? Pasensya ka na Cloud, baliw kasi tong kaibigan mo" -Sanya.
"Nope, it's okay, no problem" sagot ni Cloud sabay ngiti. Pasalamat talaga si Josh, mabait tong isang to. "Miss, pa order na lang ng 4 na popcorn with large drinks" sabi ni Cloud. Sya na ang umorder dahil tumatagal na kami at magsisimula na ang movie. "Do you want anything else Aki?" bumaling sya sakin.
I just smiled at him at ngumiti.
Si Cloud na din ang nagbayad. Nag insist kasi sya kahit pa ayoko dahil nakakahiya, ang dami nya ng nilibre samin. Pero yung dalawa naman go na go dahil libre daw.
"Lets go!" sigaw ni Sanya ng papasok na kami sa cinema.
We all put our phone in silent mode dahil patakaran ng cinema yun para hindi din naman makaistorbo sa ibang nanonood.
Almost 1am na ng matapos ang palabas. Nagyaya munang mag restroom si Sanya kaya sinamahan ko sya. Nasa labas lang ako ng restroom ng maisipan kong i check ang phone ko.
At halos lumuwa ang mata ko ng makita kong may
82 Missed Calls from Thunder
At hindi mabilang na text. Nanginginig akong binuksan ang mga messages nya.
Fuck Akira! Answer the goddamn phone!
Where are you?!
I swear you're gonna regret this!
Hey! I will call the police now!
Damn it! Where are you?!
May I remind you that you are a married woman!
I am so pissed off right now!
Nasan ka ba? Just please answer the goddamn phone, yan ang purpose ng phone Akira, for FCKING COMMUNICATION.
Binabasa ko pa ang sandakmak na text ni Thunder or should I say death threats ata yung iba ng biglang mag ring at makita ko ang caller ID nya.
Caller ID pa lang nanginginig na ko sa takot.
Kinakabahan man ako ay nagawa ko itong sagutin.
"Thank goodness you answered! Where the hell are you?! Do you know what time is it already?!"
"Almost 1 AM?"
"Yes it is! Uwi ba yan ng babaeng may asawa! Nasaan ka?!"
Sya nga hindi umuuwi sa bahay or sobrang late di ko naman sya tinanong ng ganyan.
"Nandito pa ko sa mall, pero pauwi na ko. Nagkayayaan lang naman kami ni Sanya na lumabas"
"Reasons! Stay there I'm going to pick you up! Saang mall yan?"
"Ha?! You are? Wag na! Kaya ko namang umuwi, ihahatid ako nila Sanya"
"Saang mall nga?"
Ramdam na ramdam ko ang pagkawalang pasensya ni Thunder sa kabilang linya.
"MOA. Thunder, wag ka ng pumunta"
"Shut up and just follow what I said. Stay there and I will pick you up."
Tatanggi pa sana ako kaso narinig kong tumunog na ang sasakyan at binaba nya na ang linya.
Napabuntong hininga ako. Patay na talaga ako. Pwede bang dito na lang sa sinehan matulog?
"Ano? Si Thunder yun no? Ipapagdasal ko na ba ang kaluluwa mo?" nagulat ako kasi biglang sumulpot si Sanya at nagsalita.
"Ano ka ba naman para kang kabute!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako. "Patay na naman ako kay Thunder, hindi ko naman alam na uuwi sya ngayon kaya hinayaan ko ang oras pero Sans pano to? susunduin nya daw ako"
"What? Really? Aba mukhang napo fall na yang si hubby mo sayo ah!" pang aasar ni Sanya sakin.
"Nagjo- joke ka pa?! Alam mo ba pano magalit yung isang yun? Tara na nga" yaya ko sa kanya.
Pumunta na agad kami sa parking lot ni Sanya dahil nauna na yung dalawa doon. Nakangiti kaming sinalubong ni Cloud.
"Tara na, it's getting late baka hinahanap ka na ng Dad mo Aki" sabi sakin ni Cloud.
Napakamot ako ng ulo ko, kung si Daddy lang ang naghahanap sakin ay madali lang sana kaso si Thunder yung papunta ngayon.
"Ayun nga, hindi na kasi ako makakasabay sa inyo kasi susunduin ako ni Dad" lumunok ako "Mauna na kayo kasi parating na din naman siguro yun" pagsisinungaling ko. Ilang beses ko na bang ginamit si Dad ngayong araw, idi date ko na lang sya kapag nakauwi na sya ng bansa.
"Ganun ba? Pwede naman kaming mag explain sa dad mo para di ka nya pagalitan" halata mo ang pag aalala sa mukha ni Cloud.
Nakonsensya naman ako.
Kung ganun lang sana kadali iyon Cloud, na pag in-explain nyo ay maiintindihan ni Thunder yun, magpapasama talaga ako.
"Hindi, wag kang mag alala di nya ko papagalitan, talagang isasabay nya lang ako pauwi since nearby sya kaya sige na mauna na kayo"
"Sure ka?"
"Yep super sure. Ingat!" sabi ko tas nag wave na ko para umalis at mabilis na tumakbo. Sa entrance ko na kasi hihintayin si Thunder para di nya na kailangang dumaan sa parking area.
Mabilis naman akong nakarating sa entrance. Dumaan pa nga sakin sila Cloud para magpaalam na umalis.
Palakad lakad ako sa harap ng mall na to, pakiramdam nga ata ng security guard ay baliw or magnanakaw ako, kundi lang maayos ang pananamit ko malamang pinalayas na ko nito. Kinakabahan kasi talaga ako kaya palakad-lakad ako.
Maya-maya huminto na sa harapan ko ang kotse ni Thunder. Hindi ko alam pero parang hindi ko makagalaw. Nakatitig lang ako sa kotse nya, grabe ganito ba ko matakot sa kanya?
Nagulat ako ng bumaba sya ng kotse at tumayo sa harapan ko.
"Let's go home" walang emosyon nyang sabi.
Pinagbuksan nya ko ng pinto pero wala akong maramdamang kilig dahil nakakatakot kasi ang aura nya na parang may nakaitim na nakabalot sa kanya.
Sumakay na sya at nagsimula na syang magmaneho pauwi.
"Thunder, I'm sorry" I don't know bakit ako nagso-sorry pero pakiramdam ko kailangan ko.
Hindi ko alam, dapat nga di sya nagagalit sakin kasi sya lagi syang wala pero di ako nagrereklamo.
"Let's discuss this when we get home" poker face nya pa ding sabi.
Buong biyahe ay tahimik lang kaming dalawa. Pakiramdam ko nga naririnig nya na ang t***k ng puso ko na dulot ng kaba ko.
Pagka park na pagka park nya ng kotse sa garahe namin ay agad-agad akong bumaba.
Halos tumakbo ako. Magtatago na lang ako sa kwarto ko.
Nasa sala palang ako paakyat sa hagdan ng marinig ko ang boses nya.
"You stop right there Akira!" may awtoridad sa boses nya.
Bumalik ako at humarap sa kanya.
"Look Thunder, I said I'm sorry already diba? Nanood lang naman kami ng sineng magbabarkada. Hindi ko naman alam na uuwi ka kaya hindi na ko nagpaalam na lumabas kami ng mga kaibigan ko."
"With that entrepreneurship student? What's his name again? Oh Cloud, kasama nyo ba sya?"
Nagtataka man ako sa tanong nya ay tumango ako. Sa dami ng sinabi ko bumalik parin kami sa kung kasama si Cloud.
"Nice, is he your boyfriend?" prangka nyang tanong sakin.
"How many times do I have to tell you na he's just a friend"
"Really? Sya ba kaibigan ang turing sayo?"
"Ano bang problema Thunder?"
"You know what's the problem here!"
"I don't! So tell me!"
"Ang problema dito is napakalandi mong babae! May asawa ka ng tao!"
"What?"
"Baka dahil dyan sa kalandian mo, may makabuntis pang iba sayo at sa akin mo pa ipa-ako!"
Nag walk out sya at umakyat na.
I was left there, I am so speechless.
Nasasaktan ako, pero parang pagod na ang mata ko sa kakaiyak.
The only person I love is him, gustong gusto kong isigaw sa kanya yun pero alam ko namang balewala lang lahat ng sasabihin ko sa kanya.
Tumulo pa din ang luha ko kahit pa sinabi kong pagod na ko kakaiyak.
Kailan ba ko mapapagod? Kailan kaya ako matututong sumuko?
Pero hindi ko kayang mawala si Thunder sa buhay ko.
All my life nakaplano ng sya ang kasama ko.
Sya lang din ang minahal at minamahal kong lalaki.
Bakit parang kahit na I am giving my best, hindi pa rin sapat sa kanya?