Akira's POV. Bumaba ako ng sasakyan ng minamaneho ko at tumambad sakin ang malaking mansyong ito kung saan ako lumaki kasama ang mapagmahal kong magulang. Ang bilis pala talaga ng panahon, akala ko talaga noon mananatili lang akong bata at baby ni mom. Nag door bell ako at pinagbuksan ako ng yaya namin dito. "Ma'am Akira, good evening po. Tamang-tama ang dating nyo, dito na kayo maghapunan, kakatapos lang po nilang kumain" sabi nito sakin. Pumasok ako. "Hindi na yaya, kakatapos ko lang din mag dinner e, galing ako sa business meeting" sabi ko bago nag diretso papasok. Mabilis na hinanap ng mata ko ang pinunta ko rito at nakita ko itong nakaupo sa couch at nakatalikod. Ngumiti sakin si mom ng makita nya ko. "Look who's here to fetch you" sabi nya sa malambing na tono dito. Agad ag

