Chapter 27

693 Words
Ella's POV. Nakailang back and forth na ko sa harapan ng bahay ni Thunder. Sa bahay nung malanding Akira na yun at ni Thunder. Ngayon pa lang ako nakapunta dito, nung araw na malaman ko yung tungkol sa kanila ni Akira. Sinundan ko si Thunder nun at nalaman kong dito sya nakatira. Pumunta ako dito dahil gusto kong makausap si Thunder, kailangan naming mag usap. "Sino ka? Sinong hinahanap mo?" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko, dali dali ko itong hinarap.  "Si Thunder po?" tinanong ko na lang kahit alam kong wala pa ito dahil wala pa ang sasakyan nya.  "Wala pa si Sir, pinuntahan nya si Ma'am Akira sa ospital" sabi nito na agd akong tinalikuran at pumasok na sa bahay. Naghintay pa ako ng ilang minuto at dumating na nga si Thunder. Bumaba ito ng sasakyan nya kaya sinalubong ko sya. Amoy ko ang alak sa kanya. Hindi nya ko pinansin at dinaanan lang pero maagap ako at hinawakan ko sya sa braso. "Umuwi ka na Ella, ayokong makausap ka ngayon" ang cold ng pagkakasabi nya pero inalintana ko ito. "No Thunder, mag usap tayo. Hindi ko alam na nabuntis pala ni Cloud si Akira, you see niloloko ka lang nya nabuntis sya ng ibang lalaki-" magsasalita pa sana ako ng makatikim ako ng sampal mula sa kanya. Naiyak ako. "Thunder" pagtawag ko sa kanya, hini ko ini expect ang ginawa nya. lasing lang sya hindi ba kaya nya ko napagbuhatan ng kamay. "Hindi yun anak ni Cloud. Ella, it's mine! you just killed my child!" sigaw nya sakin. Pakiramdam ko ay na estatwa ako sa kinatatayuan ko.  Anak nya ang bata? at namatay ito ng dahil sakin? "Pero sabi mo, walang nangyari sa inyo ni Akira?!"  "Do you think I will tell you that, nag iisip ka ba? nanahimik na sya yet sinugod mo pa din sya! alam naman nya at tanggap nya na ikaw ang paulit ulit kong pinili pero hindin ka pa rin nakuntento, sinaktan mo pa din sya at anong nangyari? nalaglag ang bata!" "Thunder I'm sorry" "Maibabalik ba ng paghingi mo ng sorry ang anak ko?" umiling sya." "Bakit ka ba talaga nagagalit? dahil ba sa nawala ang bata o dahil sa sinaktan ko si Akira?" Iyak lang ako ng iyak. ibang iba ang Thunder na nasa harap ko ngayon. He's cold and mad. "Why did you have to do it?! Why?!" sigaw nya sakin. nanginig ako sa takot. "I kept choosing you even though Akira needs me, sya ang asawa ko pero sya ang nagtatago sayo, nagpapaubaya sya dahil kaibigan ka nya yet ito ang ginawa mo!"  "Thunder sorry" "It's my fault too, kalokohan ko ito kaya dapat akong magdusa. It's just that hindi ko inakala na kaya mong gawin to. I kept choosing you, but it looks like I chose the wrong person" Hinawakan ko na sya sa balikat, alam ko na kung saan ito patungo at ayokong humantong pa doon. Hindi ko kaya. "Thunder don't do this please, don't. You know how much I love you" "At kahit sya pa ang piliin ko ngayon, hindi na pwede pa, dahil si Akira na mismo ang tumapos samin. I need her Ella and because of my selfishness I lost her" Nadurog ang puso ko, hindi ko akalaing maririnig ko kay Thnder ang mga salitang ito. Mahal nya si Akira. Mahal nya na to. Halata ko na to noong una pa lang pero nagbulag bulagan ako dahil hindi ko kayang tanggapin at ganun pa rin ngayon. "Thunder, nandito ako, hindi kita pababayaan" tumingin sya sakin ng diretso, sobrang lungkot ng mukha nya. "I'm sorry Ella, sorry fo dragging you into this mess. but we're over" tumalikod na sya pero mabilis akong lumapit at niyakap sya sa likod. "No Thunder, wag mong gawin sakin to, hindi ko kaya ng wala ka, mahal na mahal kita, you love me right?" iyak lang ako ng iyak habang nakayakap sa kanya. Ayokong mawala sya sakin, Naramdaman kong inalis nya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. "Sorry" that's the last thing I've heard from him bago sya mawala sa paningin ko. Bumagsak ako sa kalsada dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Iyak lamang ako ng iyak doon. Hindi pa tapos ang lahat, wala na si Akira mas kaya ko ng bawiin si Thunder at akin na lamang talaga sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD