Akira's POV. "Gina, pakilipat naman yung appointment ni Mrs. Garcia sakin ng Wednesday. Hindi ko na talaga kaya ang pagod" sabi ko. "Sige ma'am ako na pong bahala, gusto nyo na po bang umuwi?" tanong sakin nito. "May tatapusin lang akong report tas uuwi na din ako, gusto ko ng humiga sa kama" sabi ko. Magse 7 pm na pero tambak pa din ang papeles sa table to. Almost 1 week na kaming ganito. Parehas kaming sobrang busy ni Thunder kaya hindi na namin nagagawang makapag usap after nung nangyari samin. Minsan late syang umuuwi at maabutan nya na tulog na ko, minsan naman ako ang late at sya naman ang tulog. Sa umaga naman, parehas kaming nagmamadaling pumasok. Nagka problema kasi sa expansion ng branch ng S&M sa Korea and since kami ang namamahala doon kaya inaasikaso naming pilit. Kaga

