Kabanata 9

1611 Words
Lumipas ang mga araw nang hindi pa rin ako dinadapuan ng lakas ng loob para kausapin si Blake at sabihin ang totoo. Weeks had passed at halos hindi na kami nagkikita dahil may inaayos siya sa kanilang kumpanya. Nabalita kasi na may ilang shareholders na nag pull out ng kanilang shares sa kumpanya dahil sa hindi malamang dahilan. Ang hinuha ng iba ay may kalaban sina Blake na sinsira ang imahe ng kumpanya o kaya naman ay inaagaw ang mga shareholders na iyon. At dahil sa balitang iyon ay mukhang mapapaaga ang pag uwi ni Architect para tulungan ang kumpanya ng pinsan. Lunes nang inutusan ako ni Architect na ibook siya ng flight pabalik ng manila, agad ko naman itong ginawa. Sa susunod na linggo pa sana ang uwi niya para saktong isang buwan ang bakasyon, ngunit nang mabalitaan ang unti unting pagbagsak ng Skylight Corporation ay agad itong nag desisyon na umuwi. Kinabukasan ay akala ko hindi ulit papasok dito sa opisina si Blake, ngunit nagulat ako nang naroon na siya sa opisina pagdating ko, seryoso ang kanyang mukha at salubong na naman ang mga kilay habang nagtitipa sa kanyang laptop. Lumapit ako sa water dispenser matapos ilapag ang dalang gamit para magtimpla ng kape, pagkatapos ay idinala ko iyon sa loob ng opisina. "Coffee, Sir?" tanong ko habang pinapakita ang hawak na tasa ng kape. Itinaas niya ang tingin sa akin at malamyang ngumiti. "Yes, please." his husky voice sent shiver down my spine. Lumapit ako para ilapag ang dalang tasa ng kape sa lamesa niya. Habang palapit ng palapit ay siya namang palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. I can see from his eyes that he's tired, ang mga itim sa ilalim ng mga mata ay nagpapakita na kulang na kulang siya sa tulog. Pagkalapit ko ay umikot siya paharap sa akin. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya. Ang mukha niya ay kapantay ng tiyan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan nang bigla ay ipinulupot niya ang braso sa baywang ko at isinandal ang mukha sa tiyan ko. My heart thunders at his sudden movement. "Just let me rest for a while." mahinang sambit niya. Hindi pa rin ako nakagalaw at nanatiling naestatwa sa kinatatayuan. Hindi ko siya magawang itulak o umatras palayo. Napako ako doon, nakatanaw sa lalaking nakayakap sa baywang ko. I felt the butterflies tickling inside my stomach. Parang alam ng anak ko na nakayakap ang daddy niya. Dahan dahan inangat ko ang kamay ko ay ipinatong sa buhok ni Blake. Hinaplos ko ito ng marahan, dinadamdam ang mahaba at malambot na buhok nito. Lumipas ang ilang minuto na nanatili kami roon sa ganoong ayos. Laking pasasalamat ko nang wala namang ibang tao na pumasok sa opisina, maging si Hailey ay hindi rin nagpunta. Na-iimagine ko na ang itsura at magiging reaksiyon nito kung sakalaing mahuli kami sa ganoong ayos. "What's my schedule for today, Lav?" he asked matapos niyang kumalas sa pagkakaakap sa akin. Tinignan ko siya. Lav? Hindi naman siya mukhang nagbibiro. Seryoso siyang bumalik sa harap ng harap ng kaniang laptop at tinuloy ang trabaho habang paminsan minsang sumisimsim ng kape. Inalala ko ang inaos kong schedule noong nakaraan, "No schedule with the stockholders for toda, Sir, but you have a meeting with the marketing team at 3 PM." sambit ko. Huminga siya ng malalim. "I said, it's Blake. Don't call me 'Sir' anymore, it's annoying the s**t out of me." matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin matapos sabihin iyon. Kinagat ko ang pang ibabang labi at nag iwas ng tingin. Hello? We're at work, why not call you 'Sir'? Inirapan niya ako at tumango nang hindi ako kumibo. "Call the cafeteria later, mag padala ka na lang ng pagkain rito mamaya, for two, ikaw na ang bahala na mamili, choose what you want." mariing utos niya. What I want? Naisip ko ang malinamnam at kaakit akit na steak sa cafeteria na matagal ko nang gustong bilihin. Nanubig ang bagang ko sa biglaang pagkatakam sa naiisip na pagkain. Shit! Hindi naman ako ang kakain bakit ako natatakam? Hindi ko naman afford yon. Pupunta siguro si Hailey. Tumango ako. "Noted, Sir." tumalikod na ako at umalis. Pagkaupo ko sa upuan ko ay tinawagan ko na ang cafeteria sa baba para sabihin magpadala na lang ng pagkain dito mamaya para sa lunch ni Blake at ni Hailey. Pinili ko ang steak na gusto ko. Kumirot ang puso ko. Ano ba ito? Nalilito ako sa ikinikilos ni Blake. Sometimes he's treating me sweetly, pero hindi nawawala si Hailey. Fuck! This should stop! Pero.. hindi ako maaaring mawalan ng trabaho ngayon. Naputol ang iniisip ko nang biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang tawag. It's from an unknown number. Pero ang numero ay hindi nakarehistro rito sa Pilipinas. It's a foreign number. "Hello?" salubong ko. "Hi, is this Aleyah Lavelle Sebastian?" "Yes, speaking. Who's this?" "Aleyah, si Tita Linda mo ito," "Tita, napatawag ka po?" "Yes, hija, Manuel called me, your father, he's telling me na kunin ka na rito, since you finished college, pwede ka na rito, hija." hikayat niya sa akin. Tita Linda is the eldest sister of my father. Nakapangasawa ng foreigner, at ngayon ay sa Switzerland sila nakatira. Hindi ako malapit sa mga tita ko ngunit marunong naman akong makisama, pero kung iisipin na doon ako titira kasama sila ay nakakailang para sa akin, lalo na ngayon na buntis ako. "Pero.. Hindi po kami nag uusap ni papa ngayon." sabi ko, nanumbalik ang masasakit na salita na binitiwan ni papa sa akin nung huli kaming magkita. "Oo, nabanggit nga niya, he told me that he scolded you, and he was sorry. Gusto niya na kunin kita rito para mailayo ka muna kina Vicky." I heard Tita sighed at tsaka nagpatuloy. "Hindi ko ba naman kasi alam diyan sa papa mo, ang dami daming babae sa mundo, iyong sugalera at mukhang pera pa." reklamo niya. "Hayaan na po natin, Tita. Mukhang naaalagaan naman po ni Tita Vicky si papa." pagpapakumbaba ko, kahit na muling bumubuhos sa aking alaala ang masasakit na salita na sinabi nila sa akin. Maging noong pinag kakaisahan nila ako at walang kakampi. "Kahit na, mas maaalalagaan natin siya, 'cause we are family," diin ni Tita, hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pakikinig sa kaniya. Wala naman akong masasabi dahil totoo naman ang sinasabi niya. Kami ang pamilya, matutulungan at maaalagaan din namin siya. Ngunit anong magagawa naming pamilya niya kung mas gusto niyang makasama ang ibang tao? "Anyway, I can book you a flight now, if you want. Susunduin ka na lang namin ng Tito mo sa airport once you landed here. Don't worry, our house is big and there's a lot of rooms, hindi mo na kailangan humanap ng ibang matutuluyan. You know that you're always welcome here, hija. " sambit ni Tita. "Pero, Tita, may trabaho po ako rito." "I know, but you can leave that company and be here. Mas maganda at malaki ang opportunities dito hija, especially that you have a degree. Hindi ka mahihirapan humanap ng bagong trabaho." Napaisip ako sa sinabi ni Tita, totoo nga namang nakakapang akit iyon. Mas malaki ang sahod doon at paniguradong makakatulong sa gastusin ko at ng bata. "Pag iisipan ko pa po muna, Tita. Magpapaalam po muna ako bago mag resign." "Okay, if that's what you want, then don't hesitate to call me once you have decided, hija. Your Tito is here, I'll wait for your call. Take care, hija." iyon ang huling salita na binitiwan niya bago pinatay ang tawag. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magpaalam dahil mukhang nagmamadali na siya. I sighed and think of the possible things that I can get in that country. Noon pa lang ay pangarap ko nang makapag abroad. Lalo na noong dumating sina Tita Vicky sa bahay. Ngunit nang nakapag tapos ay tsaka ko na-realize na hindi pala iyon ganoon kadali. Bukod sa mahirap makalabas ng bansa ay mahaba pang proseso ang kailangan para mangyari iyon. Lumipas ang mga oras at dumating ang tanghalian na pinadala ko kanina, ang utos ni Blake. Natakam akong muli nang maamoy ang halimuyak ng steak na iyon. Fuck! Bakit ba kasi ito pa ang inorder ko? Tinungo ko ang opisina dala dala ang mga pagkain. Ipinaiwan ko na iyon kanina sa nag deliver dahil baka andoon na si Hailey, makaistorbo pa siya. Kumatok ako sa pinto. "Come in," malamig ang boses na sambit ni Blake mula sa loob. Unti unti kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Walang ibang tao kundi si Blake lang. Seryoso pa rin ito at napaka gwapo sa harap ng computer. Where's Hailey? "Ilapag mo na lang iyan diyan sa lamesa," utos ni Blake. Hinubad niya ang itim na coat na suot at isinuot iyon sa likod ng upuan, pagkatapos ay tinupi ang sleeves ng suot na puting button down at nagtungo sa lamesa. Tumalikod ako matapos ilapag ang mga pagkain sa lamesa, handa na sana akong umalis nang bigla siyang nagsalita. "Where are you going?" Nilingon ko siya. "I'll take my lunch, Sir," sambit ko. Kumunot ang noo niya at sinulyapan ang pagkain na nasa lamesa, hindi iginagalaw ang ulo. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ba ay para sa kanila ni Hailey iyon? "Sit down and eat this f*****g lunch with me." baritonong boses na utos niya. Nag simula siyang kumain habang hinihintay akong umupo. Hindi naman ako nag atubili at umupo na rin sa kaharap niyang upuan, pinulot ko ang mga kubyertos at humiwa ng steak pagkatapos ay sinubo iyon. Napapikit ako nang nanuot sa panlasa ko ang malambot at malinamnam na steak na iyon. Ah! Finally, steak!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD